Header AD

De lima Hits Duterte | Duwag ka Duterte pumirma ka ng waiver Huwag Puro Porma..!



Senator De lima Bumanat sa mga sulat nito kay President duterte sa Hindi nito pag Pirma ng waiver upang makita ng publiko ang kanyang bank account.

Giit nito sa kanyang sulat na binasa sa isang pagtitipon na pinamagatan na "Pirma hindi Porma", aniya si duterte ay matapang pag dating sa kanyang mga kritiko ngunit pag dating naman sa mga aligasyon sakanya ay ito ay tikom,.,


"Habang tumatagal kasi, lalong lumilinaw: Kung gaano kadaldal si Duterte sa pagbibintang, pagbabanta at pananakot sa kanyang mga kritiko, ganun naman siya katahimik sa pagsagot sa mga akusasyon laban sa kanya ng katiwalian,"  
"Yung akala mo eh matapang na Pangulo, duwag naman pala. Kung may 'tabang-hangin,' itong si Duterte naman ay 'tapang-hangin',"

Ang mga sulat ni De lima ay binasa ni karina constantino david, na dating Civil Service Commission sa Panahon ni dating pangulong Arroyo.

"Duwag. D-U-W-A-G = Digong. Duwag na pirmahan ang waiver para maisapubliko ang kanyang bank accounts, at malaman ang totoo," De Lima said.

"Pirma hindi Porma. Eksaktong-eksakto po itong panawagan na ito—panawagan na nakarating na sa MalacaƱang pero patuloy na hindi pinakikinggan. Akala po nila siguro, kapag pinatagal nila ito nang pinatagal, mapapagod tayo sa panawagan, at baka makalimutan na rin ito ng publiko," .

"Duwag na tanggapin na palpak ang kanyang War on Drugs na  pumatay na ng mahigit 13,000 na mahihirap na Pilipino, at dinamay pa ang mga inosenteng bata. Duwag na harapin ang kanyang mga kritiko, kaya umaasa sa pambabastos at pag-iimbento ng kuwento para malihis ang atensyon ng mga Pilipino," .

"Hindi pa nakuntento itong si Duterte at iniisa-isa na rin niya ang kasamahan ko sa Senado na tumututol sa baluktot niyang pamamahala. Anong gusto niya, lahat na lang, maging sunud-sunuran sa kanya? Wag kami, Duterte," De Lima said.

"Nasosobrahan na yata sa paglanghap ng Fentanyl itong si Duterte," she added.

"Kaya Ginoong Duterte: Wag kang magkubli sa kasinungalingan mo. Kung talagang wala kang itinatago sa Pilipino: Pirma hindi Porma," 

SOURCE | GMA
De lima Hits Duterte | Duwag ka Duterte pumirma ka ng waiver Huwag Puro Porma..! De lima Hits Duterte | Duwag ka Duterte pumirma ka ng waiver Huwag Puro Porma..! Reviewed by TNS Correspondent on 10/14/2017 06:55:00 AM Rating: 5

Post AD