Header AD

Ernesto Abella | abogado ang Pangulo, hindi ito mag bibitaw ng salita kung walang ebidensya

abogado ang Pangulo, hindi ito mag bibitaw ng salita kung walang ebidensya
Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na abogado ang Pangulo at hindi ito magbibitiw ng mga ganitong pahayag kung wala siyang ebidensya.
Ilalabas aniya ni Pa­ngulong Duterte ang mga ebidensya nito laban kay Sereno kung hinihingi ng panahon at pagkakataon.
“He’s a lawyer. He knows he must speak out of substantial evidence. He’s simply stating his opinion about the matter. So it’s not trying to create trial by publicity. If that is the result, people are interested, yes. He’s a lawyer, he should do that,” sabi pa ni Abella.
Una nang inakusahan ng Pangulo si Sereno na may itinatago dahil hindi isinama sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN) ang kinita umano sa paghawak ng kaso sa Philippine International Air Terminals Company (PIATCO).
Samantala, muling binanatan kahapon ni Pa­ngulong Duterte si Ombudsman Conchita Carpio-Morales.
“Mag-resign muna si Carpio because she’s corrupt at humahawak ng ebidensya na kinuha nila na walang permiso sa AMLC (Anti-Money Laundering Council), illegally obtained,” pahayag ng Pangulo nang dumalo sa inagurasyon ng Bahay Pag-asa sa Marawi City.
Pwede lang aniyang makuha ang mga dokumento kung mayroong kaso sa korte.
“Sabi nga ng AMLC wala silang authority na ibinigay para ilabas. Wala­ pa sila…nag-meeting and nandito na si Carpio. Ang sabi ko, you resign now, ‘pag hindi huhubaran kita,” sabi ni Pangulong Duterte.

Sinabi ng Pangulo na maraming kalokohan ang mga opisyal ng Ombudsman kung saan hinihingian ng pera ang mga nasasangkot sa kaso. Ipi­naalala nito ang dating pulis-Maynila na nasangkot sa madugong hostage drama sa Quirino Grandstand na aniya’y hini­ngian ng pera ng Ombudsman pero dahil walang maibigay ay tinuluyan ng kaso.


Source:Abante
Ernesto Abella | abogado ang Pangulo, hindi ito mag bibitaw ng salita kung walang ebidensya Ernesto Abella | abogado ang Pangulo, hindi ito mag bibitaw ng salita kung walang ebidensya Reviewed by TNS Correspondent on 10/02/2017 08:02:00 PM Rating: 5

No comments

Post AD