Header AD

Former President Erap Estrada | inabsuwelto ng court of appeal ang 2.9 Bilyon tax Evasion case

Ibinasurah ng Court of appeal ang kaso kay dating pangulo at ngayo'y Manila mayor Joseph Estrada, kaugnay sa 2.9bilyon na tax evasion case.
Absuwelto rin ng Court of Tax Appeals ang petition for review dahil sa kabiguan umano ng BIR na bigyan ng pagkakataon si Estrada para masagot ang kinahaharap na kaso. 
Giit ng korte, hindi dapat ginawing tanging batayan ng ahensya ang paghatol ng plunder kay Estrada upang patawan ito ng buwis. 
Ipinag-utos ng BIR noong 2008 na magbayad si Estrada at kanyang maybahay ng P2.9 bilyong tax liabilities mula sa "Jose Velarde" trust account. Iginiit ng BIR na kay Estrada ang naturang account, batay na sa paghatol sa kanya ng Sandiganbayan ng 2 counts ng plunder. 
Itinanggi ni Estrada na kanya ang Jose Velarde account at nagharap ng ilang testigo, kabilang na ang bise presidente ng Equitable PCI Bank.

SOURCE | ABS-CBN
Former President Erap Estrada | inabsuwelto ng court of appeal ang 2.9 Bilyon tax Evasion case Former President Erap Estrada | inabsuwelto ng court of appeal ang 2.9 Bilyon tax Evasion case Reviewed by TNS Correspondent on 10/25/2017 06:59:00 PM Rating: 5

Post AD