Header AD

Krimen sa Maynila, bumaba, ayon kay Mayor Joseph Estrada

Krimen sa Maynila, bumaba, ayon kay Mayor Joseph Estrada
Ayon kay Estrada, ang tagumpay ng MPD ay bunga ng maayos na pamumuno ng district director nito na si Chief Supt. Joel Coronel, na nangunguna ngayon sa imbestigasyon sa pagkamatay sa hazing ng UST law freshman na si Horatio Castillo III.
“I have always believed in our city police’s competence and dedication to protect our city from crimes and terror threats, slowly but surely, we are making significant and considerable gains and improvements in the peace and order situation of our beloved city,” dagdag ni Estrada.
Sa ulat ni Coronel, bumaba ng 38.7 percent ang index crimes sa lungsod sa nakaraang 12 buwan – mula sa 5,474 kaso noong 2016 at 3,393 kaso ngayong 2017.
Ani Estrada, mataas ang ibinaba ng mga street crimes tulad ng armed robbery, holdap, at snatching.
Samantala, tumaas naman ang crime solution efficiency ng MPD mula 58.8 percent noong 2016 sa 67.5 percent ngayong taon, na nangangahulugan na anim hanggang pito sa bawat 10 kaso ng krimen ang matagumpay na nareresolba nito.
Mula 2014 hanggang 2015 ay umaabot lang sa 38.05 percent ang crime solution efficiency ng MPD at 24.55 percent lang mula 2013 hanggang 2014, ayon pa kay Estrada.

SOURCE | Abante
Krimen sa Maynila, bumaba, ayon kay Mayor Joseph Estrada Krimen sa Maynila, bumaba, ayon kay Mayor Joseph Estrada Reviewed by TNS Correspondent on 10/03/2017 04:53:00 AM Rating: 5

No comments

Post AD