Header AD

LOOK | MRT dalawang beses nagloko sa kasag-sagan ng Rush hour


Dalawang beses nagka-aberya ang operasyon ng Metro Rail Transit Line 3, sa problema sa riles, Martes ng umaga. 
Alas-5:50 ng umaga itinigil ang biyahe ng MRT-3 mula North hanggang Shaw stations dahil sa problema sa riles, ayon sa website ng Department of Transportation. 
Nagpatupad ng provisional service mula Shaw hanggang Taft stations hanggang sa maibalik sa normal ang biyahe ng MRT dakong alas-6:30 ng umaga. 
Pero makalipas lamang ang 2 oras, pinababa naman ang mga pasahero ng MRT sa Cubao station southbound. 
Ayon sa DOTr website, "technical problem" ang sanhi ng insidente. Ikinuwento naman ng ilang pasahero na nagkaroon ng biglaan pagpreno ang isang bagon bago makarating sa Cubao. 
Nitong Lunes, pinababa rin ang mga pasahero ng MRT sa Quezon Avenue station dahil sa technical problem. 
Malaking abala ang mga naturang aberya, ayon sa ilang suki ng MRT na nakapanayam ng DZMM. Gayunman, pinipili pa rin anila na sumakay ng tren dahil ito ang pinaka-mabilis na mode of transportation, lalo na tuwing rush hour. 


SOURCE | abs-cbn news
LOOK | MRT dalawang beses nagloko sa kasag-sagan ng Rush hour LOOK | MRT dalawang beses nagloko sa kasag-sagan ng Rush hour Reviewed by TNS Correspondent on 10/09/2017 08:04:00 PM Rating: 5

Post AD