Header AD

LOOK | Satisfaction rating ni President Duterte , Bumulusok Pababa ayon sa SWS,




Bumagsak ng 18 points ang net satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2017 Third Quarter Survey ng Social Weather Stations.


Mula sa dating +66 na “very good “noong June 2017 ay naging +48 o “good” ang resulta ng survey ng SWS na ginawa noong September 23 hanggang 27 sa may isang libonat limang daang respindents sa buong bansa.
Ito ang kauna-unahang pinakamababang naitalang record ng Pangulo sa kanyang ikalawang taong termino.
Lumabas sa resulta ng survey na sa Visayas region naitala ang pinakamababang puntos ng net satisfaction ni Pangulong Duterte sa score na 30, sinundan ito ng 22 points sa Luzon at 19 points sa Metro Manila.
Gayonman, bumawi ito sa Mindanao region kung saan napanatili ang pagiging “excellent” at nadagdagan pa ng isang puntos mula sa +75 noong second quarter ay naging +76 ito ngayong third quarter.
Wala pang ipinalabas na reaksiyon o pahayag ang Malacañang sa bumabang satisfaction rating ni Pangulong Duterte.

SOURCE | Abente ,GMANEWS
LOOK | Satisfaction rating ni President Duterte , Bumulusok Pababa ayon sa SWS, LOOK | Satisfaction rating ni President Duterte , Bumulusok Pababa ayon sa SWS, Reviewed by TNS Correspondent on 10/08/2017 09:17:00 PM Rating: 5

Post AD