Header AD

Mga kasamahan ni Cj Sereno sa hudikatura Hugas kamay sa kasong diumano Bogus Impeachment nito,..

Mga kasamahan ni Cj Sereno sa hudikatura Hugas kamay sa kasong diumano Bogus Impeachment nito,..
Naniniwala si House committee on justice chairman Reynaldo Umali na mayroong ilang mi­yembro ng hudikatura ang nasa likod ng impeachment complaint na inihain ni Atty. Lorenzo Gadon laban kay Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Sagot ito ng Oriental Mindoro congressman sa mga batikos na ang Mababang Kapulungan ng Kongreso ang utak ng pagpapatalsik kay Sereno bilang Punong Mahistrado.
Pinaliwanag ni Umali na galing sa labas ng Kamara ang naghain ng impeachment complaint kung kaya hindi masasabing sila ang pasimuno nito.
“The complaint was filed outside. There appears to be the hand of some members within the judiciary that have inte­rest in the case. I hope we will not be faulted for it,” pahayag ni Umali.
Ang mistulang pag­huhugas-kamay ng Kamara­ sa kaso ni Sereno­ ay kasunod ng pag-­apruba kahapon ng House committee on justice sa botong 25-2 na ‘sufficient in grounds’ ang impeachment complaint laban sa Chief Justice.
Dahil dito, magpapatawag ng clarificatory hearings ang komite para magpasya kung mayroong probable cause ang impeachment complaint.
Samantala, sinisilip na rin ng Supreme Court En Banc ang ligalidad ng pagkuha ni Sereno ng information technology consultant na hindi umano dumaan sa public bidding.
Kasama ang isyung ito sa mga inilatag na bata­yan ni Atty. Gadon sa kanyang inihaing impeachment complaint laban kay Sereno.
Sa isa sa mga en banc session ng SC, inatasan ng mga mahistrado ang Office of the Court Attorney na pag-aralan ang pagkuha ni Sereno kay Helen Perez-Macasaet na tumatanggap ng P250,000 bilang sweldo.
Pinagsusumite ang naturang tanggapan ng opinyon kaugnay sa ligalidad ng pagtalaga kay Macaset bilang IT consultant.
Nabatid na mula sa ­anim na kontrata kay Macasaet, lumabas na siya ay kumita na ng P9 milyon sa SC.
Ang bawat kontrata­ na may habang anim na buwan ay para sa serbisyo ni Macasaet sa ­pagpapatupad ng Enterprise Information Systems Plan at mga computerization project na may kinalaman sa nasa­bing programa.


SOURCE | abante
Mga kasamahan ni Cj Sereno sa hudikatura Hugas kamay sa kasong diumano Bogus Impeachment nito,.. Mga kasamahan ni Cj Sereno sa hudikatura Hugas kamay sa kasong diumano Bogus Impeachment nito,.. Reviewed by TNS Correspondent on 10/05/2017 08:38:00 PM Rating: 5

No comments

Post AD