Header AD

Mga kawatan tumaas ang Bilang ayon sa Datos ng PNP

Sa kabila nang halos araw araw na ulat na may napapatay mula nang ilunsad ang war on drugs, iniulat ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na bumaba ng 7.98 percent ang murder case sa bansa. 

Sa datos ng PNP-Directorate for Investigation and Detective Management na pinamumunuan ni Director Augusto Marquez Jr., bumaba sa 6, 391 ang murder cases na naitala ng PNP simula January hanggang August 2017 mula sa 6,945 na naitala naman sa kaparehong panahon noong 2016.

 Sinabi ni Marquez na ang murder case ay kumakatawan sa 8.41 percent ng index crime distribution na panahon ng Enero hanggang Agosto 2017. Lumilitaw din sa datus ng PNP-DIDM Crime Reasearch and Analysis Center, theft o pagnanakaw ang may mataas na bilang ng kaso na umaabot sa 24,825 o 32.65 percent na index crime distribution.
SOURCE | Abante
Mga kawatan tumaas ang Bilang ayon sa Datos ng PNP Mga kawatan tumaas ang Bilang ayon sa Datos ng PNP Reviewed by TNS Correspondent on 10/11/2017 01:46:00 AM Rating: 5

Post AD