Header AD

Morales to Duterte | Sagutin mo ang mga Paratang sayo ng tama na naaayon sa batas!

Morales to Duterte | Sagutin mo ang mga Paratang sayo ng tama na naaayon sa  batas!
I will not be baited into abandoning my cons­titutional duties,” sabi ni Morales sa inilabas na pahayag ng tanggapan nito sa media.
“If the President has charges against me, I am prepared to answer them in accordance with exis­ting laws. I expect him to answer the charges against him in the same manner,” ayon pa kay Morales.
Bilang isang public official aniya, mayroon siyang sinumpaan upang manindigan para sa rules of law at maglingkod ng may karangalan, katapatan at kagandahang-asal.
Inakusahan ni Pangulong Duterte si Morales na ilegal ang pagkuha ng Office of the Ombudsman ng mga sinasabing bank rekord niya lalo pa’t itinanggi anya ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na galing iyon sa naturang tanggapan.
Hinamon pa ng Pa­ngulo si Morales gayundin si Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno na sabay-sabay silang magbitiw sa puwesto sa gitna ng mga alegasyon laban sa kanya.
Iniimbestigahan ngayon ng Ombudsman ang umano’y ill-gotten wealth ng Pangulo matapos maghain ng reklamo si Sen. Antonio Trillanes IV kaugnay sa aniya’y tagong yaman ni Duterte na nagkakahalaga ng bil­yun-bilyong piso.
Nagbanta naman si Pangulong Duterte na iimbestigahan ang Office of the Ombudsman dahil sa korapsyon at sinabing bubuo siya ng isang komisyon na magsisiyasat sa opisina at mga tauhan ni Morales.
Si Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang ang naatasan na mag-im­bestiga sa bank records ni Pa­ngulong Duterte matapos na mag-inhibit sa kaso si Morales.
Pamangkin ni Morales si Atty. Manases Carpio na mister ng presidential daughter na si Davao City Mayor Sarah Duterte-Carpio.
Noong nakaraang linggo ay sinabi ni Carandang na nakakuha siya ng bank records ng Pangulo at ng pamilya nito mula sa AMLC pero itinanggi ng naturang tanggapan na nagbigay sila ng mga dokumento kay Carandang.

SOURCE | ABANTE
Morales to Duterte | Sagutin mo ang mga Paratang sayo ng tama na naaayon sa batas! Morales to Duterte | Sagutin mo ang mga Paratang sayo ng tama na naaayon sa  batas! Reviewed by TNS Correspondent on 10/04/2017 09:44:00 PM Rating: 5

No comments

Post AD