Header AD

Pulis Kritikal ng Tambangan sa harap ng Simbahan ng mga hindi pa kinikilalang suspect


Kritikal ang kondisyon ng isang pulis matapos barilin ng mga gunman na sakay ng 2 motorsiklo sa tapat ng simbahan sa Sampaloc, Maynila, Martes.
Nagbabasa ng diyaryo si PO2 Joselito Imperial sa tapat ng kanyang bahay na nasa harapan ng Holy Trinity Parish sa Barangay 539 nang makailang ulit siyang paputukan, alas-6:45 ng umaga.
Advertisement
Nakarinig umano ang mga residente ng 4 na putok ng baril ngunit hindi nila namukhaan ang mga gunman o naplakahan ang 2 motorsiklo.
Isinugod naman sa United Doctors Medical Hospital ang biktima.
Kakalipat lamang ni Imperial sa National Capital Region Police Office mula sa Manila police, ayon kay Senior Insp. Jerry Bravo ng Calabash Road police community precinct.
SOURCE | Abs-Cbn news
Pulis Kritikal ng Tambangan sa harap ng Simbahan ng mga hindi pa kinikilalang suspect Pulis Kritikal ng Tambangan sa harap ng Simbahan ng mga hindi pa kinikilalang suspect Reviewed by TNS Correspondent on 10/09/2017 08:26:00 PM Rating: 5

Post AD