Header AD

READ | Andanar Pinag tanggol si Mocha Uson sa mga Basher nya sa Social Media sa Panayam sa Radio DZBB




Pinayuhan ni Communications Secretary Martin Andanar ang mga nagrereklamo sa kaniyang Assistant Secretary na si Mocha Uson na huwag basahin ang mga social media post ng huli.
"Ngayon kung nabubwisit ka sa sinusulat niya, 'wag mong basahin, 'di ba. Ganun lang ang para sa 'kin," paliwanag ni Andanar sa panayam ng radio dzBB nitong Linggo.
Kilala si Uson, masugid na tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa pambabatikos sa mga kritiko ng administrasyon.
Inakusahan din si Uson ng pagkakalat ng "fake news" sa social media, na kaniya namang itinanggi.
Paliwanag ni Andanar, malinaw naman na personal na pananaw umano ni Uson ang ipino-post nito sa kaniyang social media accounts, at hindi bilang miyembro ng administrasyon.
Sinabi rin ng kalihim na hindi sumasalamin sa posisyon ng Presidential Communications and Operations Office (PCOO) ang mga pahayag ni Uson sa sarili nitong social accounts.
Paliwanag pa niya, halos lahat naman umano ng kawani ng gobyerno ay mayroong Facebook accounts.
"Nagkataon lang si Mocha may five million followers at ang ibang taong gobyerno ay wala pang 5,000, 'di ba? So kumbaga nagkataon lang na mas sikat si Mocha, so everytime na maglagay siya ng komento sa kanyang Facebook account, nagiging viral," ayon kay Andanar.
Sa nakaraang pagdinig ng Senate public information committee tungkol sa "fake news" noong nakaraang linggo, sinabi ni Senador Nancy Binay kay Uson na dapat itong mamili kung nais na manatiling blogger o opisyal ng gobyerno.
Sinabi naman ni Andanar na maaari lamang sabihin na "opisyal" ang pahayag ni Uson kapag lumabas ito sa official social media accounts at iba pang media platform ng PCOO.
"Kapag si Mocha nagsalita na sa media, kapag siya'y nagsalita sa mga website, social media accounts ng gobyerno, kung ano ang sabihin niya doon, official Assistant Secretary Mocha Uson 'yon," paliwanag ng kalihim.

"Pero kung ano sabihin niya sa sariling account, sarili niya 'yun," dagdag niya. 
SOURCE | GMA
READ | Andanar Pinag tanggol si Mocha Uson sa mga Basher nya sa Social Media sa Panayam sa Radio DZBB READ | Andanar Pinag tanggol si Mocha Uson sa mga Basher nya sa Social Media sa Panayam sa Radio DZBB Reviewed by TNS Correspondent on 10/09/2017 03:29:00 AM Rating: 5

Post AD