Header AD

Sara Duterte | Bayad na kami sa Utang na loob kay Cory Aquino.!

Sara Duterte | Bayad na kami sa Utang na loob kay Cory Aquino.!
Nakilala ang Pamilya ni Duterte Noong Panahong ng namayapang si Dating Pangulong Corazon "Cory" Aquino, sa Panahong Ito. Ginawang officer-in-charge na bise alkalde ng Davao City si Duterte.

Sa Facebook Post ni Mayor Sara Duterte. nanatiling Tapat daw ang kangyang Ama sa panahon ni cory" Aquino., sa Panahon na may mga Grupo na Gustong magpatalsik kay "Cory" aquino sa pwesto."

“Nevertheless, nagtatanong ang angas mo, how we paid the Aquinos. Nagbayad si Digong- sa lahat ng coup d' etat against Cory, he supported her admin and he worked for Davao City as Cory expected of him,” saad ni Sara sa Facebook post na kasama ang screenshot ng tweet ng isang “@Simply_Clinton.”

Nang maupo si Cory sa MalacaƱang matapos ang EDSA People Power revolt na nagpatalsik kay dating Pangulong Ferdinand Marcos, nagtalaga siya ng mga lokal na opisyal bilang OIC.

Ang sagot ni Mayor Sara ay tungkol sa tweet ni "@Simply_Clinton" na may "link" sa isang artikulo tungkol sa pagbatikos ni Mayor Sara laban kina Sens Francis Pangilinan, Risa Hontiveros, at Antonio Trillanes IV, na nagsaad na hindi umano marunong tumanaw ng utang na loob sa kaniyang amang si Duterte.
“Likewise. Your father was appointed by Cory Aquino to be Vice Mayor. What did you pay the Aquinos in return?” tanong ni @Simply_Clinton."

Sagot pa rito ni Mayor Sara, “Cory was paid... when Davao was opened to the world.”
Itinuturing din ng alkalde na bayad-utang ang ginawa nilang pagsuporta sa kandidatura ng anak ni Cory na si dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III, nang tumakbo itong pangulo noong 2010 elections.

“In 2010, Nagbayad kami ulit ke Cory, we assisted PNoy in the elections through the intercession of [Mar] Roxas. Nobody can question tagatak pawis ko kakasigaw sa lahat ng stage sa Davao na iboto si Noynoy,”  ani Mayor Sara.

Sa naturang halalan, si Roxas ang kandidatong bise presidente ni Noynoy.

Ipinaliwanag din ng alkalde na sumagot lang siya sa mga "dilawan" o miyembro ng Liberal Party, kaugnay sa ginawa niyang pagbatikos sa tatlong senador.

Tumakbo si Noynoy bilang pangulo sa ilalim ng LP, na laging binabatikos ni Duterte at inaakusahan niyang nanggugulo sa gobyerno dahil hindi matanggap ang pagkatalo sa kaniya.
Nakalaban at tinalo ni Duterte sa nakaraang 2016 presidential elections ang pambato ni Aquino at LP na si Roxas.

“Ito lang ang argumento na kami na ang tumulong, kami pa magbayad sa mga Aquinos. Labo. Anyway, we paid by keeping quiet and focusing on Davao,” sabi ni Mayor Sara.

“Paano naging plastic at oportunista ang lumaban sa black propaganda? Tulad mo Doc, would I give you the light of day, if you did not ask the question? Of course not, pakialam ko ba sa conceit mo. To be fair, saludo ako dahil hindi ka nagtatago sa fake account,” dagdag niya.

Nang makipag-ugnayan ang GMA News, tumanggi si @Simply_Clinton na sabihin ang kaniyang tunay na pangalan at nakiusap din na huwag ipakita ang kaniyang larawan.

Sa isa niyang tweet, nagpahiwatig si @Simply_Clinton kung sino ang dapat sisihan kapag may nangyari sa kaniyang masama.

“Pag ako natumba na lang or nabaril, lam nyo na ha? She knows im an MD. She did her research,” saad niya na kasama ang screenshot ng Facebook post ni mayor Sara. 

Nang hingan ng komento ang alkalde sa naturang tweet post, sinabi ni Davao City Information Officer Jefry Tupas na sumagot si Mayor Sara sa tanong.

“He asked a question. The Mayor answered. In fact, the mayor offered an explanation. How is that taken as a threat?” saad ni Tupas sa ipinadala nitong mensahe.

Idinagdag nito na madali umanong makita ang trabaho ni @Simply_Clinton dahil naka-public ang profile ng kanilang social media account.

“I guess some people are quick to invent their own ghosts just as how they are quick to post something out in public. And of course, the mayor did her research — and I believe doc’s not discreet, his profile is also public,” paliwanag ni Tupas. 


Source: gmanews
Sara Duterte | Bayad na kami sa Utang na loob kay Cory Aquino.! Sara Duterte | Bayad na kami sa Utang na loob kay Cory Aquino.! Reviewed by TNS Correspondent on 10/16/2017 08:03:00 PM Rating: 5

No comments

Post AD