Header AD

Sen. Trillanes Pormal ng naghain ng Ethics complaint laban kay Sen. Gordon.,


Senator Antonio "Sonny" Trillanes IV nag sampa na ng kasong Ethics complaint laban kay Senator Gordon.

Huwebes,kahinang alas-dose ng tanghali ipinasa na ng kampo ni trillanes ang 27 pahina na rekalamo laban kay senador Gordon

Nakasaad sa kinasong Ethics Complaint ni sen. trillanes ay ang mga Malisyosong Conclusions  at mga hindi makatarungang alegasyon laban sa mga kapwa mambabatas.

Inungkat ni Trillanes ang hearing ng Senate Blue Ribbon Committee noong August 31 2017 , Ang 6.4 billion na shabu shipment na naka lusot sa Bureau of Custmos kung saan lumabag anya Si Gordon sa pamantayan ng senado..

Matatandaan na nag kairingan ang dalawang senador  noong hindi anya ni Gordon sinang ayunan ang pag-imbita ni Trillanes sa nadadawit na anak ni Pangulong Duterte nasi Davao Vice Mayor Paolo "Polong" Duterte at ang bayaw nitong si Atty.Manases Carpio.

Isinama din ni Trillanes ang Hearing ng Senate Committee on justice and Human Rights Noong October 2016, dito ang Inakusahan ni Gordon sina Trillanes at leila delima na itinatago diumano ng dalawa ang kasong isinampa sa testigong si Edgar Motabato.


“Senator Gordon’s unparliamentary acts, language and conduct and/or disorderly behavior during the committee hearings at the senate are clearly in violation of the law, the rules of the senate, and adversely reflects upon the senate,” diin ni Trillanes sa reklamo.
Ang mga aksyon umano ni Gordon ay paglabag din sa Republic Act 6713 at sa Lawyer’s Code of Professional Responsibility.

Matatandaang naunang mag sampa ng sakong Ethics Complaint si Sen. Gordon laban kay Trillanes at hanggang ngayon ay na kabinbin pa din ang Kaso.




SOURCE | Abante

Sen. Trillanes Pormal ng naghain ng Ethics complaint laban kay Sen. Gordon., Sen. Trillanes Pormal ng naghain ng Ethics complaint laban kay Sen. Gordon., Reviewed by TNS Correspondent on 10/20/2017 06:10:00 AM Rating: 5

Post AD