Header AD

6.4Billion Shabu shipment galing China iimbestigahan ni Ombudsman Conchita Morales.


Iimbestigahan ng Office of the Ombudsman ang pagpasok ng P6.4 billion smuggle na shabu na pumasok sa bansa galing China.

courtesy:Philstar.com
Hindi nagpatinag ang opisina ni Ombudsman Conchita Morales, sakabila ng mga banta ng Pangulo na Paiimbestigahan nito ang opisina ng ombudsman dahil aniya sa mga katiwalian sa ahensya.

Matatandaan, sinabi ng Ombudsman na Hindi magpapatakot ng Ahensya kay Pangulong Duterte

READ; Hindi Matatakot ni Duterte ang Opisina ng Ombudsman

Ayon sa report, inilabas ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang Office Order No. 765 noong October 13, na nag-aatas sa isang special fact-finding team na imbestigahan ang isyu ng shabu shipment sa Bureau of Customs (BOC).

Ang imbestigasyon ng Ombudsman ay kasunod ng mga isinagawang hearing ng House of Representatives at Senado.

Ang mga committee reports ng Kongreso kaugnay sa isyu ay gagawing batayan ng Ombudsman sa sarili nitong imbestigasyon.

Matatandaang idinawit sa shabu smuggling ang mga kaanak ni President Rodrigo Duterte na sina presidential son at Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at asawa ni Davao City Mayor Sara na si Atty. Mans Carpio.


courtesy; GMANEWS

courtesy; GMANEWS

Binigyan ni Morales ang special panel ng 90 araw upang ibigay ang report o rekomendasyon kaugnay sa shabu smuggling.



SOURCE DailyInquirer
6.4Billion Shabu shipment galing China iimbestigahan ni Ombudsman Conchita Morales. 6.4Billion Shabu shipment galing China iimbestigahan ni Ombudsman Conchita Morales. Reviewed by TNS Correspondent on 11/07/2017 03:01:00 AM Rating: 5

Post AD