Header AD

Jollibee Nasampulan ng DOLE dahil sa Labor-only Contract activities




Nasampulan ng DOLE ang Jollibee Foods Corporation (JFC) at ang tatlong franchiser nito sa MIMAROPA region ( Mindanao, Marinduque, Romblon at Palawan, dahil sa End of Contract ng mga Empleyado nito na mariing nang Pinagbabawal nang naturang ahensya,

Ayon sa Report ng Abante, Nadiskubre ito ng Rigional Office 4B ng (DOLE) na ang JFC at ang siyam na Franchaser nito ay sangkot sa Labor-only Contract activities

Dahil dito Ipinag-utos ng Regional Office ng Dole sa JFC at sa tatlo pang Franchiser nito na gawing Regular ang 468 na Empleyado nito,




Kabilang dito ang kakulangan ng substantial capital ng mga kontraktor habang ang deployed workers ay gumagamit ng mga kagamitan at kasangkapan ng JFC sa pagganap ng mga serbisyong outsourced.
Binanggit din ang hindi pagsunod sa mga pamantayan ng Occupational Safety and Health (OSH) ng mga kontraktor na walang sinanay na mga opisyal para sa kaligtasan at hindi pagtugon sa pagsusumite ng ulat tungkol sa OSH.
Samantala, bukod sa kautusan na gawing regular ang kanilang mga empleyado, inatasan din ng regional office ang JFC at mga kontraktor nito na ibalik ang mga hindi awtorisadong pagbawas sa suweldo ng mga apektadong empleyado na aabot sa halagang P775,050 at magsumite ng patunay na nire-remit ang Social Security System, PhilHealth at Pag-IBIG ng mga ito para matiyak na natatanggap ng mga manggagawa ang kanilang mga benepisyo.
Inatasan din ang JFC at mga kontratista nito na mag-isyu ng appointment letters at payroll na sumasalamin sa mga karapatan ng mga apek­tadong manggagawa bilang mga regular na empleyado. 

SOURCE | Abante
Jollibee Nasampulan ng DOLE dahil sa Labor-only Contract activities Jollibee Nasampulan ng DOLE dahil sa Labor-only Contract activities Reviewed by TNS Correspondent on 12/25/2017 06:45:00 PM Rating: 5

No comments

Post AD