Header AD

"Bato"dela Rosa nagsinungaling: hindi sinuntok ng Pangulo ang pader sa Palasyo ayon kay Bong GO.

"Bato"dela Rosa nagsinungaling: hindi sinuntok ng Pangulo ang pader sa Palasyo ayon kay Bong GO.

Itinanggi ni Special Assistant to the President Bong Go. ang mga naunang pahayag ni Philippine National Police Chief Director General (PNP) Ronaldo "Bato"Dela Rosa na sinuntok ni Pangulong Duterte ang pader sa palsyo ng Malacañang matapos mabalitaang na-dismiss ang kasong ilegal na droga ng tatlong drug lords sa korte.

Read Also:De lima Buwelta kay Harry Roque: Mr. Roque maglinis ka naman ng tenga mo!

Ayon kay Bong Go, wala naman ganoong insidente sa command conference noong nakalipas na Lunes. pero nagalit daw talaga ang presidente sa inalabas na Disisyon ng DOJ sa pag Abswelto kila kerwin Espinosa, Peter Lim at Peter Co.

“‘Yun po ‘yung sabi ni Gen. Bato no’. Siyempre nagalit si Pangulo nang naabsuwelto kaya biniro niya, in front of the command conference na si Aguirre ang ipapalit doon,” ani Go.

Paliwanag ni Bong Go, namamaga na daw ang kamay ng pangulo Hindi dahil sinuntok ng nito ang pader sa Plasyo.

“Bago pa niya nabalitaan ‘yon, nu’ng command conference namamaga na ‘yung kamay ni boss noon. Hindi dahil sinuntok niya ‘yung ano… bakit naman niya… tsaka hindi ugali ni Pangulo na suntukin ‘yung pader. Kasi anong makukuha niya kung suntukin niya pader ‘yung kamay lang niya masaktan ‘di ba. So kung meron siyang galit ilalabas niya ‘yon,” ani Go.

“Napapansin n’yo ba ang Pangulo pag nasa Davao, pag may mga manloloko, drug addict, nang-aapi ng asawa, snatcher, rapist, pag nakakaharap niya itong masasamang-tao na ‘to, namamaga ang kamay niya. Baka may nakaharap siyang manloloko noong araw na ‘yon,” dagdag pa ni Go.



Source: Abante
"Bato"dela Rosa nagsinungaling: hindi sinuntok ng Pangulo ang pader sa Palasyo ayon kay Bong GO. "Bato"dela Rosa nagsinungaling: hindi sinuntok ng Pangulo ang pader sa Palasyo ayon kay Bong GO. Reviewed by TNS Correspondent on 3/19/2018 12:04:00 AM Rating: 5

No comments

Post AD