Header AD

Kiko Pangilinan hits DOJ: Pag kakampi laya, pag kaaway kulong

Kiko Pangilinan hits DOJ: Pag kakampi laya, pag kaaway kulong
Dismayado si Senator Francis Pangilinan sa DOJ sa mga nilalabas nitong desisyon kaugnay sa pag abswelto kila Kerwin Espinosa,Peter Lim at Peter Co. na nasundan pa ng paggiging State witness ng kinikilalang utak ng pork barrel scam nasi Janet napoles.

Read Also: Karen Davila kinundina ang paglagay ng DOJ sa utak ng Pork Barrel Scam Janet Napoles sa Witness Protection Program.

“Umamin na nga si Kerwin sa Senado na siya’y sangkot sa operasyon ng iligal na droga sa bansa habang itong si Lim ay makailang beses nang tinukoy ni Pangulong Duterte bilang sangkot sa iligal na droga pero naabsuwelto pa rin sila,” he said.

“Ang masakit nito, ang prosecutor na nag-absuwelto kina Kerwin at Peter Lim ay na-promote pa bilang judge. Ito ba’y gantimpala sa maganda niyang trabaho?” Pangilinan asked.

Para naman kay Senator Bam Aquino hindi na aniya katakataka ang mga galaw ng DOJ, hindi ang hangarin nito ay para siraan ang mga matitibay nilang kritiko.

. ”Hindi na kagulat-gulat na ginigipit muli ng administrasyon ang isa sa mga matitibay nilang kritiko.”

“Mas nakakapagtaka ang patuloy na pagpoprotekta at pagpapalaya ng DoJ sa mga drug lord at criminal mastermind. Sa mga panahong ito, mahalagang ituloy ang laban para sa katarungan at hustisya para sa taumbayan,” ani Aquino


Source: Politics

Kiko Pangilinan hits DOJ: Pag kakampi laya, pag kaaway kulong Kiko Pangilinan hits DOJ: Pag kakampi laya, pag kaaway kulong Reviewed by TNS Correspondent on 3/17/2018 02:45:00 AM Rating: 5

No comments

Post AD