Header AD

Koko to Napoles: PDAF ang usapan dito at hindi siya Qualify.

Koko to Napoles: PDAF ang usapan dito at hindi siya Qualify.

Kaisa si Senator Koko Pimentel sa mga naging dismayado sa naging disisyon ng DOJ na ilagay si Janet Lim-Naploes sa Witness Protection Program(WPP) ng Ahensya.

READ ALSO: Kiko Pangilinan hits DOJ: Pag kakampi laya, pag kaaway kulong

Sa isang radio interview ng senador hiniling nito na dapat rebisahin ulit ng DOJ ang ginawa nilang hakbang kung bakit naging State witness ang Utak ng PDAF SCAM QUEEN Janet Lim-Napoles,

“I hope the DoJ, i-review ‘yung basic theory behind their moves,” aniya Pimentel .

Giniit din ng Senador na hindi pwedeng maging state witness ang tinuturing na utak ng PDAF Scam Queen Janet Lim-Napoles dahil hindi daw ito Qualify

“Gusto natin malaman (kung) ano ang totoong usapan kasi kung ang usapan ay PDAF kalimutan na ng DoJ ‘yan. Kasi imposible at hindi siya qualified,” Pimentel said.

Dagdag pa nito, “Let’s look at the most guilty. Bakit natin papakawalan ‘yung pinaka nakinabang sa krimen para mahuli natin at makulong ‘yung mga nakinabang din pero di ganung kalaki ang pakinabang sa witness. Hindi p’wede ‘yun.”

“Hindi p’wede lalo na kung ikaw ang nag-imbento nung scheme. Ikaw ang nagbuo ng plano tapos nakinabang ka ng mabuti.”

“Tapos ikaw ngayon ang kakanta laban dun sa mga taong biniktima mo. So, pwede ba ‘yun?” Pimentel stressed.

Pagpapatuloy niya, “Kung ang isang tao meron siyang maisip na gagawing malakihang krimen marami syang biniktima. Kumagat kayo rito, sumakay kayo rito. Pagkatapos sumabog. Tapos sasabihin niya, ituturo ko lahat ng kumagat. Ituturo ko lahat ng sumakay sa aking plano. Pero, pakawalan nyo ako. Is that fair?”

Sinabi din dito ng Senador na dapat Interbyuhin ang DOJ sa kanilang ginawang hakbang para maging malinaw sa kanila ang lahat at nang maging maganda aniya ang diskusyon sa isyong ito.

“So, ang magandang gawin ngayon interbyuhin natin ang DoJ para magpaliwanag, para the more information that we have mas maganda ang discussion natin sa issue,” aniya.


Source: Politiko
Koko to Napoles: PDAF ang usapan dito at hindi siya Qualify. Koko to Napoles: PDAF ang usapan dito at hindi siya Qualify. Reviewed by TNS Correspondent on 3/17/2018 07:14:00 PM Rating: 5

No comments

Post AD