Header AD

Napoles Siniwalat ang mga bagong Pangalan na sangkot sa Pork Barrel Scam


Sa interview ni DOJ secretary Vitaliano Aguirre II, sinabi nito na may mga bagong Siniwalat si Janet Napoles na bagong mga Sangkot sa kontrobersyal na PDAF SCAM.

READ ALSO: Koko to Napoles: PDAF ang usapan dito at hindi siya Qualify.

Sinabi ng kalihim na ang mga siniwalat ni Janet napoles na bagong Pangalan na sangkot sa PDAF SCAM ay mananatili munang Confidential Hanggat hindi pa naiya natatapos ang proseso kung ito ay makakakuha ng full protection cover  ng WPP.

"Binanggit po niya ang marami ngunit sapagkat...tulad po ng sinabi niya sa akin, ito ay given to me under the strictest confidence kaya't hindi ko po maaaring i-reveal ngayon until matapos 'yung proseso kung bibigyan namin siya ng full protective coverage ng WPP,"

Tinanong ni Jessica Soho kaugnay sa pagkanta ni Napoles Noon ay bakit daw hindi pa nito kinanta lahat at ngayon lang daw siniwalat ngayong napakatagal na itong issue.

Sagot ni Aguirre ay noon daw ay sinabi ni napoles na my mga 2nd at 3rd Batch pa daw itong isisiwalat ngunit lumaon ay hindi na nabunyag dahil pinigilan daw ito. at pinili lang daw ang sasabihin ni Napoles.

"Alam naman natin na 'yung pagkanta niya noong una ay produkto lamang ng selective prosecution noong nakaraang administrasyon at sinabi niya noon na napakaraming involved dito na mga senador, mga congressman, pero bakit sa senador ay tatatlo lamang ang inakusahan at parang pinili lamang sina Senator Enrile, sina Senator Revilla at saka si Senator Estrada.

Panoorin Buong Interview



Source: gmanews
Napoles Siniwalat ang mga bagong Pangalan na sangkot sa Pork Barrel Scam Napoles Siniwalat ang mga bagong Pangalan na sangkot sa Pork Barrel Scam Reviewed by TNS Correspondent on 3/22/2018 02:36:00 AM Rating: 5

No comments

Post AD