Header AD

Rep. Tinio: Talagang pinapatunayan ni Aguirre na Department of Fake Justice ang kanyang ahensya

Rep. Tinio: Talagang pinapatunayan ni Aguirre na Department of Fake Justice ang kanyang ahensya

Nagbigay ng pahayag si ACT Teachers partylist Rep. Antonio Tinio sa paglagay ng DOJ kay Pork Barrel Queen Janet Napoles sa witness protection program ng Ahensya.

READ ALSO: Rep. Tom Villarin: Enrile Ibalik na sa Kulungan,

Tinawag na DEPARTMENT OF FAKE JUSTICE ni Rep. Tinio Ang Ahensya ng DOJ Matapos ilagay ni Secretary of Justice Vitaliano Aguirre si Janet Napoles sa witness protection program

“Talagang pinapatunayan ni Aguirre na Department of Fake Justice ang kanyang ahensya,” aniya

“Pagkatapos maabswelto ang mga drug lord, abswelto naman ngayon ang pork barrel queen na si Janet Napoles,” Tinio said.

“Kinakanlong ng DOJ ang pork barrel queen bilang isang witness. Makikita na ang mga linyang anti-korapsyon ng administrasyong Duterte ay kasing peke ng kanyang terror list, at pangakong pagbabago. Hindi maikakaila na maaaring susunod na magiging state witness ang iba pang pork barrel king at kanilang nga minions. Lusot din at patuloy na namamayagpag ang big-time smugglers at druglords,”aniya

“Si Napoles ang isa sa pangunahing nagkamkam ng bilyon-bilyong pera ng mamamayan. Kailangan siyang managot pati ibang pasimuno at sangkot sa congressional and presidential pork barrel gaya nina Aquino at Abad,” aniya

Dagdag pa nito, “Kung ganap na hustisya ang paiiralin ng administrasyong Duterte, hindi kailangang maging state witness ni Napoles para siya ay magbigay ng tesyimonya para mapanagot ang lahat ng sangkot sa prok barrel scam.”

Source:politics
Rep. Tinio: Talagang pinapatunayan ni Aguirre na Department of Fake Justice ang kanyang ahensya Rep. Tinio: Talagang pinapatunayan ni Aguirre na Department of Fake Justice ang kanyang ahensya Reviewed by TNS Correspondent on 3/16/2018 02:50:00 AM Rating: 5

No comments

Post AD