Header AD

Roque to Vp Leni, Delima,Sereno, Ressa and Callamard mga "Expiring Women"

Roque to Vp Leni, Delima,Sereno, Ressa and Callamard mga "Expiring Women"
Tinawag ni Presidential Spokesman Harry Roque na mga "Expiring Women " ang mga babaeng Tumutuligsa kay pangulong Rodrigo Duterte.

Ang mga sinabihan ni Harry Roque ay Sina, Vice President Leni Robredo, Senator Leila De lima, Chief justice Maria Lourdes Sereno, Rappler CEO Maria Ressa at si United Nation Special Ropporteur Agnes callamard,

REAL ALSO: Alvares Sinabing Zero Budget ang hindi susuporta sa pagbabago ng Saligang Batas.

Sinabi ni Roque na ang mga babaeng nabanggit ay laging tingin nila sa Pangulo ay walang tamang nagawa sa Bansa at sila lamang ang may nagawang maganda para sa Pilipinas,

“So siyempre ang aking paboritong drug queen na nakakulong po ngayon ‘no. At siyempre meron din po diyan, iyong nagpapanggap na imbestigador, pero hindi naman po siya imbestigador, dahil siya po ay propagandanists na ang tawag sa kaniya Special Rapporteur, isa rin po iyan, hindi pupuwede iyan na ikaw ay nais mag-imbestiga, pero ikaw ay meron nang konklusyon,” sabi ni Roque.

Sinabi pa Roque sa CEO ng Rappler nasi Maria Ressa, panay ang bintang anya nito na sinisikil ng administrasyon ang kalayaan ng mga ito sa pamamahayag gayong ang isyu ay ang paglabag ng Rappler sa Saligang Batas dahil hindi sumunod sa patakaran ng ownership sa kanyang negosyo.

“At siyempre nandiyan din iyong mga purveyors of fake news. Naku, sinasabi nilang paglabag sa kanilang karapatan ng malayang pamamahayag, iyon pala fund raising scheme. Fund raising scheme na sabi ng gobyerno ay lumabag sa Saligang Batas at mga batas. Eh bakit nila ibabato sa Palasyo ang sisi, eh dapat hindi sila naghangad na magkaroon ng ganiyang kalaking halaga, tapos eh, hindi pala sila susunod sa Saligang Batas. Tapos sila mismo eh, sinasabi nagbabantay sila sa mga namumuno para masigurado na hindi nalalabag ang Saligang Batas at mga batas, pero sila pala mismo ay lumalabag,” ani Roque.

Ayon naman sa naging komento nito kay Vice President Leni Robredo, kung Alam raw ni Leni sa una palang na killer ang Pangulo bakit raw nito tinanggap noon ang posisyon sa gabinete,

“Ang puna ko kay Leni Robredo kasi in the first place, kung talagang killer ang Presidente, kung talagang hindi naniniwala sa rule of law, dapat hindi kayo tumanggap ng kahit anong puwesto lalong-lalo na sa gabinete dahil as Cabinet members, you’re alter egos; extension kayo ng Pangulo. Kung gaano kabulok ang sinasabi ninyo sa Pangulo, ganoon din kayo kabulok dahil naging bahagi kayo ng gabinete,” dagdag pa ni Roque.


Source |TNT-ABANTE
Roque to Vp Leni, Delima,Sereno, Ressa and Callamard mga "Expiring Women" Roque to Vp Leni, Delima,Sereno, Ressa and Callamard mga "Expiring Women" Reviewed by TNS Correspondent on 3/15/2018 12:07:00 AM Rating: 5

No comments

Post AD