Header AD

Delima hits Aguirre : "Parang eksena lang sa Mafia movie na pangit ang script

Delima hits Aguirre : "Parang eksena lang sa Mafia movie na pangit ang script

Nagbigay ng pahayag si Senator Leila Delima ukol sa pagreresign ni DOJ secretary Vitaliano Aguirre.

ayon sa senadora. ang resignation daw ng kalimin ay maihahalintulad sa movie na mafia na mayroong panget sa script.
"Parang eksena lang sa Mafia movie na pangit ang script, gasgas ang istorya at bulok ang acting. Pinaliligpit ng pinuno ng sindikato ang galamay na banta o pabigat na sa kanya o sa organisasyon,"

 "Sana ang nangyari kay Aguirre ay maging babala at leksyon sa lahat ng mga alipores, kasabwat at mga tau-tauhan ni Duterte – nasa Kongreso, Ehekutibo, at mga Hukuman man sila – ukol sa bagsik at lupit ng kanilang pinapanginoon,"

"Sa sine, madalas na ang galamay ay pumalpak sa huling misyon, umabuso, o kaya’y tuluyan nang nawalan ng silbi kay boss,"

 "Ano kaya ang nangyari kay Aguirre? Sumabit sa mga huling iniutos? Nag “sariling sikap” at lumaki na ang ulo? Pinagsawaan na lang basta ni Duterte? O all of the above?"

Dagdag pa ng senadora. huwag na daw magpalinlang sa mga pakay na ito. kagaya ng resignation ni Aguirre dahil alam naman daw ng lahat na may ibang pakay ang pangulo kayat nag resign si Aguirre. alinsunod sa kanilang mga balak. 

"Wag na wag tayong malilinlang na ang pagtanggal kay Aguirre ay bunsod ng anumang dalisay na pakay ni Duterte para sa bansa at para sa Kagawaran ng Katarungan,"

"Sa dulo: lalabas pa rin ang katotohanan at mananaig ang katarungan. Ito ang kinatatakutan ni Duterte at ng kanyang sindikato.,".

"Higit pa sa maaaring gawin sa kanila [mga alipores] ni Duterte ay dapat isipin nila at katakutan ang paghuhusga ng kasaysayan at paghahatol ng taumbayan sa huli, kung saan laging magwawagi ang totoo, tama at makatwiran,"


Source: GMANEWS
Delima hits Aguirre : "Parang eksena lang sa Mafia movie na pangit ang script Delima hits Aguirre : "Parang eksena lang sa Mafia movie na pangit ang script Reviewed by TNS Correspondent on 4/06/2018 03:56:00 AM Rating: 5

No comments

Post AD