Header AD

Governor Imee Marcos mahaharap sa patong-patong na kaso dahil sa manomalyang pagbili ng multicab.


Nakitaan na ng anomalya ng House Commitee on Good Government and Public Accountability ang pagbili ni Governor Imee Marcos  ng higit sa isang daang sasakyan sa lalawigan ng Ilocos Norte para umano sa mga magsasaka noong 2011 hanggang 2012.

dahil dito nag-anunsyo ang komite na magsasampa ng patong-patong na kaso laban kay Governor Imee marcos at sa iba pang mga sangkot na opisyal.

kabilang sa mga ikakaso ng komite ay ang paglabag nito sa R.A 7171 (Share of Excise Tax from Tobacco) at R.A 9184 o Procurement Law, paglabag sa COA circular tungkol sa paggamit ng cash advance at kasong plunder

“We have already established [that] there were really indeed anomalies of purchase of vehicles. Province of Ilocos Norte purchased vehicles and from [the] data we gathered, this transaction already violated R.A. 7171, violation of R.A. 9184 [and] violation of COA Memo Circular 97-002,” sabi ni Rep. Johnny Pimentel, ang chairman ng komite.

Read Also: Duterte parang may diperensya sa pag-iisip ayon kay senador Trillanes.

Giit ng komite lahat ng transaksyon ng lalawigan ay pirmado lahat ni Governor Imee marcos kung kaya't malaki ang kanyang responsibilidad dito.

“All transactions bares the signature of Gov. Imee Marcos. Lahat ng transaction, contract, vouchers, MOA, bares the signature of Imee Marcos. She is the most responsible in all [of] these transactions,” giit ni Pimentel.

Dawit din sa maanomalyang transaksyon ang long time boyfriend ni Governor Imee nasi Mark Chua. kaya naglabas ang komite ng order laban kay Mark Chua, sa sektretarya nitong si Irene Mendoza at ang supplier ng multicab na si Gilbert Soribas

“We were also able to establish that the boyfriend, the long time boyfriend of Governor Imee Marcos was involved in the transactions,” sabi ni Pimentel.

 “We have already issued a subpoena for him unfortunately he did not appear. We issued a show cause order to him and again he did not appear… so we will be citing him for contempt… a warrant of arrest will be issued to him including his secretary, Irene Mendoza,” dagdag pa ni Pimentel

Sa pagiimbestiga ng komite nakitaan din  ng anomalya ang munisipyo ng Ilocos Norte ng higit P22M

Ayon sa komite kung hindi padin lilitaw sa mga susunod na hearing si Mark Chua boyfriend ni Imee marcos mapipilitan na silang maglabas ng Warrant of arrest dito.


Source: News5
Governor Imee Marcos mahaharap sa patong-patong na kaso dahil sa manomalyang pagbili ng multicab. Governor Imee Marcos mahaharap sa patong-patong na kaso dahil sa manomalyang pagbili ng multicab. Reviewed by TNS Correspondent on 4/23/2018 04:24:00 AM Rating: 5

No comments

Post AD