Header AD

"Huwag pahirapan ang mga Pilipino kung wala pang malinaw na plano - Bam Aquino.


Humirit si Senador Bam Aquino sa napipintong Pansamantalang pagsasara ng Boracay Island sa darating na April 26.

Ayon sa Senador dalawang araw nalang ang nalalabi bago maipasara ang Boracay ng anim na buwan para sa malawakang Rehabilitasyon, ay hanggang ngayon wala pa ding malinaw na plano ang Gobyerno para sa mga negosyante at freelancer sa lugar.

“Ilang araw na lang at isasara na pero wala pang inilalabas na plano para ma-rehabilitate ang Boracay. Kailangan rin ng plano para sa mga maliliit na negosyante at freelancers,”sabi ni Aquino

“Huwag pahirapan ang mga Pilipino kung wala pang malinaw na plano,”dagdag ni Aquino

Bago paman ang mga pahayag ni Senador Bam Aquino, kinundina na din ni Senador Antonio Trillanes IV ang pagsasara ng Boracay, ayon sa Senador malaking kita ng Gobyerno ang mawawala kung ipag-papatuloy ang pagsasara ng Baracay sa loob ng anim na Buwan.

Base sa pagsisiyasat ni Senador Trillanes, 90,000 ang mawawalan ng trabaho sa pagsasara nito at P20Billion ang mawawalang kita sa Gobyerno.

Source: Politiko,

"Huwag pahirapan ang mga Pilipino kung wala pang malinaw na plano - Bam Aquino. "Huwag pahirapan ang mga Pilipino kung wala pang malinaw na plano - Bam Aquino. Reviewed by TNS Correspondent on 4/24/2018 05:42:00 AM Rating: 5

No comments

Post AD