Header AD

Ilang mga Senador may tagong asar kay Senador Gordon,

Ilang mga Senador may tagong asar kay Sendor Gordon,

Sinabi ni Senador Panfilo Lacson ang ilan sa mga senador na kasamahan nila sa Senate Blue Ribbon Committe ay may tagong asar kay Senador Gordon.

Ayon sa senador, hindi nagugustohan ng kanyang mga kasamahang senador ang pagmo-monologue ni Gordon sa pag dinig ng Senate Blue Ribbon Committe partikular ang pag dinig sa usapin ng dengvaxia.

READ ALSO: "Huwag pahirapan ang mga Pilipino kung wala pang malinaw na plano - Bam Aquino.

kwento ni Lacson hindi daw makasingit silang mga senador dahil puro si Gordon lang ang laging nakakapag tanong, kapag daw nasa lounge silang mga senador si Gordon daw ang laging topic nila Sen. Ejercito, Gatchalian, Hontiveros, Aquino, dagdag ng Senador ang tanging pinakahihintay ng kanyang mga kasamahang Senador ay ang pag CR ni Gordon upang sila ay maka singit dito.

“Di makasingit eh. Pinapanood ko nga ibang kasamahan ko. At pag sa lounge kami pinag-uusapan namin yan. Sina Sen. Ejercito, Gatchalian, Hontiveros, Aquino, ‘yan minsan nakikita ko sumasama sa hearing pero pagdating sa lounge yan ang topic nila,” ani Lacson.

 “Sabi nila kanina magsasalita na sana ako di na naman ako natuloy. Wala raw sila pinakakaabangan kundi mag-CR si Sen Gordon para sila naman makapagtanong,” dagdag ng senador.

Biniro pa ni Senador Lacson sa isang panayam sa Radyo DZBB, Bibigyan daw nila ng Pampaihi o pampadumi si Gordon upang magtagal-tagal daw ito sa palikurang nang makapag tanong daw sila sa mga Senate Hearing.

Source: Abante
Ilang mga Senador may tagong asar kay Senador Gordon, Ilang mga Senador may tagong asar kay Senador Gordon, Reviewed by TNS Correspondent on 4/24/2018 10:00:00 PM Rating: 5

No comments

Post AD