Header AD

Lahat na lang ng kumokontra sa Administrasyon drug protector! - VP LENI


kinundina ni Vice President Leni Robredo si DOJ secretary Vitaliano Aguirre sapag dawit nito kay Cebu City Mayor Tommy Osmeña bilang Drug Protector.

Read Also: Roque: Human Rights Groups Posibleng Pinopondohan ng  Drugs lords

Sa kanyang pahayag sinabi nito na tila lahat nalang daw ng kokontra o hindi sasang-ayon sa administrasyon ni Duterte ay ililink nila bilang protector ng droga.

 “Ako, nakakalungkot lang iyong mga nangyayaring ganiyan kasi parang nagiging pattern na siya na kung sino man iyong sumasalungat sa anumang polisiya na inihayag, o kung sino man ang sumasalungat sa kahit anong desisyon, parating may tag na na ‘drug protector,'”

Sinabi din ni Vice President Leni Robredo na hindi dapat gumawa si Aguirre ng mga paratang laban sa kanyang mga kaaway kung wala siyang solid na ebidensya laban dito.

“Sana hindi padalos-dalos iyong pagbibigay ng akusasyon, lalo na kung iyan ay walang basehan. Kung mayroong basehan, maghain ng maayos na kaso, pero kung wala naman, huwag sanang dinadaan sa mga ganito,”

Giit pa ni VP leni na matagal daw nakaibigan ng asawa nya ang alkalde at wala sa karakter nito ang ganun trabaho.

“Matagal siyang kaibigan ng asawa ko, matagal na kasama sa trabaho. Parang wala naman ito sa karakter niya,” he said.


Source: politiko
Lahat na lang ng kumokontra sa Administrasyon drug protector! - VP LENI Lahat na lang ng kumokontra sa Administrasyon drug protector! - VP LENI Reviewed by TNS Correspondent on 4/01/2018 05:43:00 PM Rating: 5

No comments

Post AD