Header AD

Liberal Party Kay Gordon: Ikaw lang ang tanging Senador?

Liberal Party Kay Gordon: Ikaw lang ang tanging Senador?

Ipinagtanggol ng Liberal Party si Dating Pangulong Noynoy Aquino sa mga ginawang draft report ni Senador Gordon na nag-iindorso na kasuhan ng Graft and Corruption si Noynoy at ang iba pang tauhan ng DOH.

Ayon kay Erin Tañada former Deputy Speaker and LP vice president on external affairs. Bakit daw ang ulat ng komite ay inilabas na ni Gordon sa publiko bago ito isampa o isponsoran? at kaylangan daw ng lagda ng majority ng committe member bago ito mai-file.

"Why was the committee report released to the public before it has been filed or sponsored? Are not the signatures of majority of the committee members required before the report can be filed?

“What happens to the report if the majority disagrees? Wala pang pirma eh,” dagdag ni Tañada.

Read Also: Trillanes naghain ng resolution sa senado upang imbestigahan ang pagsasara ng Boracay.

Ayon pa kay Tañada gusto lamang daw ilihis sa mga tao ang kapalpakan at mga kontrobersyang kinakaharap ng administrayon upang mabaling sa Liberal Party ang Galit ng mga tao.

“Nais na naman nilang ilihis ang isyu mula sa kapalpakan at kontrobersyang bumabalot sa administrasyong ito para matuon sa LP ang galit ng taumbayan,” ani Tañada.

Ayon naman kay LP vice president on internal affairs and Ifugao Rep. Teddy Baguilat cast, nagtataka ito at ang report daw ni Gordon ay nakatuon lamang sa nakaraang Administrasyon gayong nag patuloy ang pagbakuna hanggang sa kasalukuyang administrayon.

“Hindi lang sa nakaraang administrasyon ipinatupad ang bakuna sa Dengvaxia kundi sa kasalukuyang administrasyon. Nakakapagtaka na nakatuon lang ang report ni Sen. Gordon sa nakalipas na administrasyon,” Ani Baguilat.

Source:Politiko
Liberal Party Kay Gordon: Ikaw lang ang tanging Senador? Liberal Party Kay Gordon: Ikaw lang ang tanging Senador? Reviewed by TNS Correspondent on 4/12/2018 02:06:00 AM Rating: 5

No comments

Post AD