Header AD

Mas marunong pa makipag kapwa-tao ang Madre kaysa sa PDP-laban - Erin Tanada

Mas marunong pa makipag kapwa-tao ang Madre kaysa sa PDP-laban - Erin Tanada

Dismayado si Senador Francis Kiko Pangilinan at si Former Congressman Erin tandana sa ginawang pagpapa-deport kay Sister Patricia Fox ng Bureau of Immigration,

kinansela ng Bureau of Immigration ang visa ni Sister Patricia Fox dahil nakitaan diumano ito nang paglabag sa nakasaad sakanyang visa, dito ay dismayado si Senador Kiko sa ginawang hakbang ng Bureau Of Immigration, ayon sa kanya ang pinapakita ng Gobyerno ay isang malinaw na kahinaan at hindi kalakasan.

“This deportation of a 71-year-old, ailing nun is most deplorable. The act is not a sign of strength, it is in fact a sign of weakness,”

“Harrassing human rights advocates and faith-based organizations and individuals may succeed in the short run but it will eventually fail,”sabi ni Pangilinan.

Read also: Apila ni Jocelyn Acosta na hainan din ng Quo warranto si Associate Justice Teresita De Castro, Binasura ng opisina ni Solicitor General Jose Calida.

Ayon naman kay former Congressman Erin Tanada, si sister fox ay higit dalawang dekada nang nakikilahok sa mga usaping Pang-karapatang pang-tao dito sa pilipinas at ngayon ay pinadedeport na, mas marunong  pa daw makipag kapwa-tao itong si sister fox  kaysa sa PDP-LABAN (Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan) na ang inuuna ay ang interes ng Chinese government.

“Bakit ide-deport ang isang human rights worker para umano sa pakikilahok sa ‘illegal political activities’ kung ang partido nga ng Pangulo, ang PDP-Laban, ang nag-host ng launch ng libro ni Chinese President Xi Jinping, ang ‘Governance of China,’ para gunitain ang anibersaryo ng PDP-Laban noong nakaraang Pebrero?” sabi ni tanada.

“Sr. Fox may be Australian, but she is more Filipino than many of those in power,” ani tanada.

dagdag pa nito, “Mas marunong siyang makipagkapwa-tao, lalo na sa mga aba at api, kaysa sa mga taga-PDP-Laban (Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan) na mukhang inuuna pa ang interes ng Chinese government sa interes ng kababayang Pilipino.”


Source; Politiko
Mas marunong pa makipag kapwa-tao ang Madre kaysa sa PDP-laban - Erin Tanada Mas marunong pa makipag kapwa-tao ang Madre kaysa sa PDP-laban - Erin Tanada Reviewed by TNS Correspondent on 4/25/2018 10:03:00 PM Rating: 5

No comments

Post AD