Header AD

Opposition Senators, kailangang dumami ayon kay Sen. Bam Aquino.

Oposition Senators, kaylangang dumami ayon kay Sen. Bam Aquino.

Ayon kay Senador Bam Aquino kaylangan ng Liberal party na mag pursige sa darating na 2019 Election upang madagdagan ang kaalyado sa oposisyon at makapasok sila  sa Winning Circle.

Ayon sa panayam ng GMA sinabi ni Sen. Bam Aquino na makikipag pulong sila sa mga non-traditional political organizations kagaya ng simbahan, socio-civil organization at cause oriented groups para makatulong sa ikapagpapanalo ng kandidato ng oposisyon.

READ ALSO: Duterte parang may diperensya sa pag-iisip ayon kay senador Trillanes.

“Ang mahalaga, at least para sa amin sa oposisyon, magkaroon ng mas maraming numero dito sa Senado at maging mas independent 'yung ating Senado,” aniya.

Natuwa naman ang senador na survey ng Pulse Asia dahil kabilang siya sa mga napupusuhan ng publiko na posibleng manalo sa 2019 senatorial election.

“Natutuwa naman tayo sa nasama tayo sa list of possible winners pero sabi ko nga sana mas maraming nasa oposisyon ang makapasok din. Anyway isang taon pa naman po ‘yan. That only means kailangang doblehin ang efforts ng opposition para mas dumami kami na makasama sa Magic 12,” saad niya.

Pahayag pa ni Bam Aquino, batid aniya ng mga tao ang kahalagahan ng independiyente ng senado

“Sa palagay ko pagdating ng election, maa-appreciate ng taumbayan na kailangan ng oposisyon. Hindi kailangan na iisang panig lang at kung meron mang pagtutol na kailangang gawin, kailangan sapat ang aming numero sa Senado,” paliwanag niya.

 “Panahon na na magsama-sama tayo and I think ang hinahanap ng tao hindi ‘yung mga lumang mukha at pangalan. Naghahanap sila ng mga bagong mukha at bagong pangalan para makita natin na ito ang bagong mukha ng oposisyon,” dagdag niya.

sinabi din ng senador na posibleng ilabas ang listahan ng kakanditado sa ilalim ng Liberal Party sa darating na oktubre ang huling araw ng pag-hahain ng certificate of candidacy.

“Sa aking experience sa politika, 'yung mga pangalan, lineup nangyayari kapag malapit na ang filing of candidacy. Sa tingin ko marami pang mangyayari. A lot of things are still going to happen in our country. Baka 'yung ibang nasa kabilang panig, mag-iba ng panig. Who knows kung ano ang final lineup natin?” aniya.

Sa papel naman ng dating pangulo nasi Noynoy Aquino, si nabi ni Sen. Bam ay posible daw itong sumamang magiikot sa pagsapit ng kampanyahan.

“Siyempre bilang isang former President marami pa ring mga tao na gustong malaman kung ano ang panig niya. I’m sure he will be supportive of the opposition, as well,” sabi ng senador


source: GMANEWS
Opposition Senators, kailangang dumami ayon kay Sen. Bam Aquino. Opposition Senators, kailangang dumami ayon kay Sen. Bam Aquino. Reviewed by TNS Correspondent on 4/23/2018 06:31:00 AM Rating: 5

No comments

Post AD