Header AD

Ramdam ang Pagbabago, Bilang ng nagugutom sa 1st quarter ng 2018 Bumaba - Roque.


Tila ramdam na ng mga mamamayang Filipino ang Pagbabago sa ilalim ng Administrayon ni Pangulong Duterte matapos lumabas ng survey ng Social Weather Station [SWS] na nagpapakita ng pagbaba ng bilang ng mga nagugutom na Filipino sa 1st Quarter ng 2018.

Ipinagmalaki ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque Matapos Lumabas ang naturang Survey.Sinabi ni Roque na ang mga mahihirap na Pinoy ang isinaalang-alang ni Pangulong Rodrigo Duterte para maiba ang takbo ng buhay kaya nagsisikap ang gobyerno na maisulong ang mga pagbabago para sa ikagaganda ng buhay ng mga Filipino.

“Obviously, there are fewer people perceiving themselves as being hungry because there are fewer Filipinos who are hungry. Change has come,” ani Roque.

Base sa datos ng sws first quarter survey bumaba ng anim na puntos mula 15.9% ay naging 9.9% na lamang ang naitalang nagugutom na mga Filipino.


Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa loob na nakapagtala ng single digit hunger survey ang SWS, pinakahuli ay noong Marso 2004 na 7.4%.

Dagdag ni Roque patuloy pang magsisikap ang Administrasyon ni Pangulong Duterte upang mabago ang takbo ng Buhay ng mga mamamayang Filipino sa pamamagitan ng pag likha ng maraming trabaho sa Build Build Build program ng Gobyerno.

Source: Abante
Ramdam ang Pagbabago, Bilang ng nagugutom sa 1st quarter ng 2018 Bumaba - Roque. Ramdam ang Pagbabago, Bilang ng nagugutom sa 1st quarter ng 2018 Bumaba - Roque. Reviewed by TNS Correspondent on 4/30/2018 10:20:00 AM Rating: 5

No comments

Post AD