Header AD

Umalma ang Simbahan sa panukalang pagbubuwis sa mga Catholic school.

Umalma ang Simbahan sa panukalang pagbubuwis sa mga Catholic school.

Sa panukalang nilatag ni House Speaker Pantaleon Alvares na bubuwisan ang mga catholic school, sa buong Pilipinas, pumalag ang mataas na opisyal ng simbahan katoliko at giniit na ito ay "paghihiganti."

Sinabi ni Father Pabillo na Paghihiganti ang nakikita nilang motibo sa paghain ng panukala ni Alvares na bubuwisan ang mga Catholic School sa buong bansa.

"Hopefully they (officials) are rational enough na before they do so, tingnan muna ang mga libro. Many times 'yung kanilang sinasabi ay out of revenge sa mga batikos sa kanila," ani Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo

Read Also: Sen. Bam Aquino gustong paimbestigahan ang pagkaka deport ng isang EU Official.

nilinaw naman ng samahan ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang lahat ng mga nakokolektang pera ay napupunta sa operational expenses at pagpapabuti ng mga serbisyo sa Publiko.

"Catholic and religious educational institutions share in the government's duty in the youth, especially doon sa mga lugar na hindi naaabot ng mga tulong ng gobyerno," paliwanag ni Atty. Joseph Noel Estrada, legal counsel ng CEAP.

Ayon naman sa Tax Consultant nasi Mon Brea, pwede pang babaan ang matrikula ng mga Catholic School Ngunit ang panukalang buwisan ang mga ito ay hindi siya sumang-ayon.

"Will it help in making sure that there will be no discrimination, that anybody can go to those catholic schools? Kasi kung hindi, what’s the point na tax-an mo," ani Abrea.

Giniit ni Father Pabillo ang ganitong panukala ni Alvares ay isang kaduda-duda sa sinusulong nilang Charter Change.

"We are very much weary about amending the Constitution kasi nakikita natin na masyadong self-serving ang kanilang ginagawa . . . It’s not them giving us a favor. It’s the Church giving favor to the people, which the government should give and they are not able to give," ani Pabillo.


Source: Abs-Cbn
Umalma ang Simbahan sa panukalang pagbubuwis sa mga Catholic school. Umalma ang Simbahan sa panukalang pagbubuwis sa mga Catholic school. Reviewed by TNS Correspondent on 4/17/2018 04:33:00 AM Rating: 5

No comments

Post AD