Header AD

Alvares Itinangging P500M ang halaga ng kanyang lupain sa Isla ng Siargao.

Alvares Dininay na P500M ang halaga ng kanyang lupain sa Siargao.

Dininay ni House speaker Pantaleon Alvares ang mga kumakalat na issue na nag kakahala ng P500M ang kanyang ari ariang lupa sa isla ng Siargao.,

Sabi ni Alvares na matagal na nyang binili ang Lupa sa Isla ng Siargao hindi pa siya nanunungkulan sa Gobyerno.

"Matagal na panahon na ako ay maraming properties diyan, bumibili ako diyan kahit wala ako sa gobyerno,"

"As early as 1996, wala pang kuryente doon, nandoon na ako. I was able to accumulate several properties,"

Pinaliwanag ni Alvares na mura lang raw ang mga propertries sa lugar noong araw at wala pa din raw kuryento noong panahong nabili niya ang mga ito, kung sino man raw ang hindi naniniwala sa kanyang sinasabi ay mag tanong sa mga Residenteng nakatira sa Lugar.

"Mura lang naman yung properties diyan noong araw e, wala pang kuryente. Ngayon, kung sino man ang diskumpiyado sa sinasabi ko, e magtanong kayo doon sa mga residente nung area kung nagsasabi ako ng totoo,"

Nilinaw din nito na ang halaga ng lupa sa isla ng Siargao ay hindi 15,000 per square, meron daw ditong 100, 200, 1000, 2000, magiging P500M raw talaga ang mga ito kung sa 15,000 Per Square ma ibebenta ngunit hindi naman raw niya ito ibebenta.

"Maaaring isang area sa Siargao, P15,000, pero ang laki nung isla na yan, hindi P15,000 lahat yan. May P100, may P200, may P1,000, may P2,000. Hindi naman lahat ng areas, P15,000,"

"Saka yung sinasabi nila na yan, ang value, yun na ang value sa isip mo. E kung walang bumili, 'yan ba yung value? Magiging actual value yan kapag binenta ko yan at yun yung tinanggap kong presyo doon sa buyer. Ang problema nila, hindi ko naman balak ibenta yung mga properties. So yung value niyan, nasa assessor's office, 'yun yung value niyan,"

Sinabi din nito na hindi Floirendo ang kanyang apelido para mangamkam ng lupa ng may lupa. kung ipipilit daw ng mga bumabatikos sa kanya na pagaari niya ang lupa. bilin daw nila ito sa may ari at ibigay sakanya.

"Hindi Floirendo ang apelido ko para maging landgrabber. At kung pipilitin din nila na tanggapin ko na akin 'yun, bilhin nila doon sa may-ari yun at ibigay nila sa akin,"

 "Ngayon, kung sa tingin nila I violated a law, yung [anti-graft and] corruption, then mag-file sila ng kaso at gusto ko siya mismo yung magiging complainant.... Dapat siya mismo ang mag-file ng kaso sa akin because I am willing to face it,"

Giniit din ni alvares na handa siyang mag release ng kanyang SALN dahil wala raw siyang dapat itago.

"At the right time, kapag may mag-file ng kaso, ilalabas ko lahat. Pero make sure na tama yung fina-file dahil kung hindi, babalikan din kita ng kaso,"


Source: GMA
Alvares Itinangging P500M ang halaga ng kanyang lupain sa Isla ng Siargao. Alvares Itinangging  P500M ang halaga ng kanyang lupain sa Isla ng Siargao. Reviewed by TNS Correspondent on 5/21/2018 09:51:00 AM Rating: 5

No comments

Post AD