Header AD

Hahainan ng Impeachment complaint ang walong Mahistradong bumoto pabor sa Quo Warranto laban kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Hahainan ng Impeachment complaint ang walong Mahistradong bumoto pabor sa Quo Warranto.

Tila mahaharap din sa Impeachment Complaint ang walong mahistrado na Bumoto pabor sa Quo Warrato Petition laban kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa kinakasa ng Magnificent 7 ng Kamara, sinabi ni Representative Tom Villarin na pasok sa culpable violation of the constitution sina Justices Teresita de Castro, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Francis Jardeleza, Samuel Martires, Noel Tijam, Andres Reyes Jr. at Alexander Gesmundo. na bumoto pabor sa Quo Warranto Petition na hinain ni Solicitor General Jose Caliada.

Ayon kay Villarin sinagasaan ng Korte Suprema partikular ng walong mahistrado ang dalawang kapulungan. Ang Kongreso at ang Senado na mag patalsik sa isang impeachable officer.

“When we really dissect the decision.. una, you have the 5 justices na pumunta sa House and became one of the.. they became the accusers of the Chief Justice, in fact ilang hearings sila dumalo dun. And there was a motion to inhibit the six pero still they did not inhibit themselves, so when a Supreme Court especially the 8 justices becomes the accuser, the witness and the judge, so talagang may problema dun sa desisyon na yan, so we cannot just say na pabayan na lang natin dahil sila naman ang Supreme Court,” ani Villarin.

“Kahit isang miyembro ng House na mag-file ng impeachment complaint then the proper move is really for the House to hear that complaint, so dito ilalabas yung mga arguments. And it would also expose the House ano ba talaga yung position with regards to its mandate kasi dito china-challenge.. this decision of the Supreme Court practically challenges the House and the Senate dun sa kanilang Constitutional mandate,” dagdag ng kongresista.

Sinabi ni Villarin na ihahain nila ang Impeachment Complaint Laban sa Walong Mahistrado sa huling linggo ng Mayo.


Source: Abante
Hahainan ng Impeachment complaint ang walong Mahistradong bumoto pabor sa Quo Warranto laban kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Hahainan ng Impeachment complaint ang walong Mahistradong bumoto pabor sa Quo Warranto laban kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Reviewed by TNS Correspondent on 5/22/2018 04:49:00 AM Rating: 5

No comments

Post AD