Header AD

Robredo inudyokan ang DFA na magsampa ng Diplomatic protest laban sa China.

Robredo inudyukan ang DFA na magsampa ng Diplomatic protest laban sa China.

Nababahala si Vice President Leni Robredo sa walang tigil na pagpapalakas ng Militarisasyon ng China West Philippine Sea at sa wala din tigil nitong pag instraktura sa naturang Isla. kung kaya't inuudyukan na nito ang Department of Foreign Affairs na magsampa ng diplomatic protest laban sa China.

“Banta sa seguridad ng Pilipinas at ng buong rehiyon ang patuloy na pagdami ng mga kagamitang militar at walang tigil na pagtayo ng mga istraktura sa mga islang ito. Nakasaad sa ating Saligang Batas na ipinagbabawal ang presensiya ng anumang sandatang nuklear sa kahit na saang lugar sa Pilipinas,”

“Inuudyok natin ang ating Department of Foreign Affairs na magsampa ng diplomatic protest sa harap ng mga kaganapang ito. Maipapahayag nito ang mariin nating pagtutol sa mga naging aksyon ng bansang Tsina,”

Giit ni Robredo na umaasa ang sambayanang Pilipino na buong tapang na protektahan ng gobyernong ang siguridad ng bansa, kung hindi raw gagawa ng hakbang ang gobyerno laban sa China, saan pa raw aasa ang sambayanan?

“Inaasahan ng sambayang Pilipino ang pamahalaan nito na ipagtanggol nang buong tapang ang ating seguridad. Kung ang mismong pamahalaan ay hindi titindig para sa integridad ng ating teritoryo, saan pa aasa ang ating bayan?”


Source: ABS-CBN
Robredo inudyokan ang DFA na magsampa ng Diplomatic protest laban sa China. Robredo inudyokan ang DFA na magsampa ng Diplomatic protest laban sa China. Reviewed by TNS Correspondent on 5/24/2018 04:06:00 AM Rating: 5

No comments

Post AD