Header AD

Sen. Kiko giniit na imbestigahan ng Ombudsman si Sec. Wanda sa issue ng P60-M na advertising contract.

Sen. Kiko giniit na imbestigahan ng Ombudsman si Sec.Wanda sa issue ng P60-M na advertising contract.

Giniit ni Senador Francis 'kiko' Pangilinan sa opisina ng Ombudsman na imbestigahan si Department of Tourism Wanda Tulfo-Teo sa issue ng P60 milyong advertising contract sa kompanyan ng kapatid nito.

Ayon kay pangilinan, makikitang iregular ang perang ginastos sa advertising sa kompanyan ng kapatid nito kung kaya't nararapat na imbestigahan ito ng Ombudsman.

“Oo, sa unang tingin iregular nga ang P60 milyong halaga na ginastos ng Department of Tourism (DOT) para sa mga ads at dapat itong imbestigahan ng Ombudsman,” ani Pangilinan.

Hindi rin naniniwala at katawa-tawa para kay pangilinan ang mga naging paliwanag ni Secretary Wanda na hindi nito alam na napunta ang patalastas sa Show ng Kapatid nitong sina Ben Tulfo at Erwin Tulfo..

Giniit din nito na kung tatanggapin nila ang paliwanag ni Sec. Wanda, pwede na raw maglaan ng milyong milyong piso para sa proyekto at programa ang gobyerno sa mga miyembro ng gabinete sa kanikanilang mga kapatid o Asawa.

“Kung tatanggapin natin ang paliwanag ni Secretary Teo, puwede nang maglaan ng milyun-milyong pisong halaga ng proyekto at programa ng pamahalaan ang mga miyembro ng gabinete sa kani-kanilang mga kapatid o asawa. Katawa-tawa ang paliwanag na ito,” sabi pa ni Pangilinan.


Source: Abante
Sen. Kiko giniit na imbestigahan ng Ombudsman si Sec. Wanda sa issue ng P60-M na advertising contract. Sen. Kiko giniit na imbestigahan ng Ombudsman si Sec. Wanda sa issue ng P60-M na advertising contract. Reviewed by TNS Correspondent on 5/07/2018 02:00:00 AM Rating: 5

No comments

Post AD