Header AD

Si Justice De Castro ang may pinakamalaking gastos sa biyahe - Chief justice Sereno.

Si Justice De Castro ang may pinakamalaking gastos sa biyahe - Chief justice Sereno.

Binuweltahan ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno si Associate Justice Teresita De Castro na isa sa mga katunggali nito sa korte Suprema.

Sa kabila ng pinaparatang nila kay Chief Justice Sereno sa isyu ng umano'y maluhong pagbiyahe nito, siyaring pinukol ni Sereno kay Senior Associate Justice Teresita Leonardo-De Castro. ang Maluhong pagbiyahe at may pinaka madaming biyahe sa lahat ng hukom sa korte suprema.

"Hindi nga ako ang may pinakamalaking gastos sa pagbiyahe. Si Justice De Castro ang may pinakamalaking gastos sa biyahe at may pinakamaraming biyahe sa lahat ng hukom sa Korte Suprema," ani Sereno.

Base sa liham na binigay ni Sereno sa mga kapwa nito mahistrado, lumalabas na naka 15 biyahe si De castro sa ibat ibang bansa sa loob ng Limang taon.

Kung kaya't noong nagpaalam raw ito kay Sereno sa isang international meeting noong nakaraang taon ay hindi na niya ito pinayagan pa. ana siyang dahilan ng pag-apaw ang galit nito kay sereno.

"'Puwede ba, Justice Tess, 'wag na lang kasi madami na naman ikaw biyahe talaga,' kuwento ni Sereno. "Sumama loob niya nang husto, naging source of friction."

Ngunit pinaliwanag din naman ni Sereno na lahat ng naging biyahe ni De castro ay aprubado ng Supreme Court en banc at karamihan ay dahil sa pag-upo ni De Castro bilang presidente ng International Association of Women's Judges mula 2014 hanggang 2016.



Source: ABS-CBN
Si Justice De Castro ang may pinakamalaking gastos sa biyahe - Chief justice Sereno. Si Justice De Castro ang may pinakamalaking gastos sa biyahe - Chief justice Sereno. Reviewed by TNS Correspondent on 5/08/2018 04:43:00 AM Rating: 5

No comments

Post AD