Header AD

Trillanes on issue in DOT: hindi lang dapat mag-resign, dapat makasuhan.

Trillanes on issue in DOT:  hindi lang dapat mag-resign, dapat makasuhan.

Nagbigay ng pahayag si Senador Antonio Trillanes IV sa kinahaharap na kontrobersya ng Ahensya ng Department of Tourism na pinamamahalaan ni Secretary Wanda Tulfo-Teo.

Ayon sa Senador, Ang pagsauli ng perang binayad  ay nangangahulugan na alam nila ang kanilang mali, hindi raw ito nalalayo sa magnanakaw, na kung nahuli ka isasauli mo.

“Sinauli nila ibig sabihin alam nila na mali ang ginaawa nila. Ngayon, hindi pwedeng ang equivalent niyan,ang analogy niyan para kang nagnakaw, nung nahuli ka, sinauli mo. Hindi kasi nagawa na ‘yung krimen," Sabi ni Trillanes .

 "In fact, ‘yang kanilang sinasabi is an admission that they have committed a crime, so kailangan nating itong ma-ungkat,”.

Giniit din ng Senador, kung titgnan daw ang sitwasyon ay lumalabas na Plunder Case ang posibleng kalabasan nito. Ngunit bubusisiin muna aniya ang ahensya ng Department of Tourism (DOT) kung gaanong kadaming pera ang inaabuso nito.

“Ito ay plunder kapag titignan natin, but more importantly gusto nating malaman kung gaano pa kalaking budget ang naabuso dito sa DOT dahil iba’t ibang issue ang lumalabas,”sabi ni Trillanes.

Nauna nang pinanawagan ng ibat-ibang Grupo na magresign na si Secretary Wanda Teo sakabila ng kinahaharap nitong Kontrobersya,

kahapon May 7 naglabas ng pahayag ang kampo ng kapatid ni Secretary Wanda Teo nasi Ben Tulfo na isasauli nila ang kanilang na tanggap na bayad mula sa Ahensya upang matigin na aniya ang issue.

Ngunit sa opinyon ni Trillanes, hindi lamang daw dapat mag-resign kundi dapat ay may makasuhan.

“Sa akin, hindi lang dapat mag-resign, dapat makasuhan. Dapat tanggalin sa pwesto at kasuhan. Hindi ‘yung mga daldal lang nito ni (President Rodrigo) Duterte na whiff of corruption pero ‘yung mga bata niya ay hindi naman gumagalaw,”


Source: GMA
Trillanes on issue in DOT: hindi lang dapat mag-resign, dapat makasuhan. Trillanes on issue in DOT:  hindi lang dapat mag-resign, dapat makasuhan. Reviewed by TNS Correspondent on 5/07/2018 11:21:00 PM Rating: 5

No comments

Post AD