Header AD

Umali On SC Decision :Sa mga Law deans mag-Justice muna sila ng Korte Suprema bago sila magsalita

Umali On SC Decision :Sa mga Law deans mag-Justice muna sila ng Korte Suprema bago sila magsalita

Nagbigay ng pahayag si Rep. Reynaldo Umali sa naging hakbang ng mga Abogado at mga pinuno ng mga unibersidad sa naging desisyon ng Korte Suprema.

Ayon kay Umali walang karapatan ang mga abogado na kwestsyonin ang disisyon ng Supreme court dahil sa ating bansa ito daw ang pinakamataas na hukuman.

"Sa mga abogado, maging law deans na nagsasabi na mali yung Korte Suprema, eh mag-Justice muna sila ng Korte Suprema bago sila magsalita. Dahil dito sa atin ang pinakamataas na hukuman ay ang Korte Suprema," sabi ni umali.

Sa kaalaman din nito, tanging ang Supreme Court lamang ang nag iinterpret ng ating Saligang Batas. at hindi ang mga Abugado o ang mga Pinuno ng Unibersidad.

"Sila ang inatasan ng Konstitusyon na mag-interpret ng law and Constitution, hindi ang mga law deans, hindi yung mga former justices, [kundi] yung mga incumbent and sitting members of the Supreme Court,"

Sa samahan ng Integrated Bar of the Philippines (IBP), nauna ba nitong sinabi na ang naging desisyon ng Supreme Court ay malinaw na labag sa Batas kung kaya't sila ay naghain ng Motion for Consideration na naglalayun na Baligtarin ang naging desisyon nito.

“This is pursuant to our position that only the Senate, assembled as an impeachment court, has the power to dismiss an incumbent Justice of the Supreme Court on questions pertaining to his or her alleged lack of integrity,” Sabi ni IBP president Abdiel Dan Elijah Fajardo

Gayon paman sinabi ni Umali na malinaw na naka saad sa konstitusyon ang Quo Warranto at impaechment at ang mga impeachable officer ay mapapaalis sa pwesto sa pamamagitan ng Impeachment.

"Malinaw na parehong nasa Konstitusyon ang quo warranto maging ang impeachment. At malinaw na malinaw sa Konstitusyon na ang mga impeachable officers 'may' be removed by impeachment,"Sabi ni umali

Nilinaw din ni Umali na kung disqualified ang isang Impeachable officer sa posisyon nito, maaari din itong ma tanggal sa sa pwesto sa pamamagitan ng Quo Warranto aniya tanging sa Supreme Court lamang ito.

"Basta disqualified ka, pwede kang tanggalin through a quo warranto petition and that is the power vested in the Supreme Court, hindi sa Congress 'yan, hindi sa Senado yan," Sabi ni Umali.


Source: GMA
Umali On SC Decision :Sa mga Law deans mag-Justice muna sila ng Korte Suprema bago sila magsalita Umali On SC Decision :Sa mga Law deans mag-Justice muna sila ng Korte Suprema bago sila magsalita Reviewed by TNS Correspondent on 5/14/2018 05:48:00 AM Rating: 5

No comments

Post AD