Header AD

WATCH : BuCor Chief 'Bato' Dela Rosa : "Ako ang siga rito hindi kayo!"

WATCH : 'Bato' Dela Rosa Nagbabala sa mga preso: "Ako ang siga rito!"

Nagbabala si dating National Police chief Ronald dela Rosa sa mga high profile inmates sa pag upo nito bilang bagong Chief ng  Bureau of Corrections.

"Ako ang siga dito. Hindi kayo" Galit na sinabi ni Dela Rosa sa harap ng mga high profile inmate noong Inspeksyonin nito ang Building 14 sa New Bilibid.


Sa pag-attend nito ng kauna-unahan nyang Flag ceremony bilang chief ng Bureau of Corrections, Pinaliwanag nito kung ano ang kanyang Gampanin at misyon sa loob ng BuCor.

"Ang immediate na mission ko dito ay ihinto natin ang drug transactions, drug use at drug trafficking dahil ang BuCor, talagang wasak na wasak na," aniya.

 "Ayaw na ayaw ko ng BuCor personnel na duwag. Nagsuot pa kayo ng uniporme kung takot kayong lumaban sa mga gag**g nakakulong. Umalis kayo kung ganon ugali n'yo,"dagdag nito.

Sinabi nya rin dito kung ano ang kanyang natatanging polisiya sa loob ng BuCor. na dapat gawin ng kanyang mga tauhan.

"Isa lang ang policy ko -- Never tayong mamroblema sa mga tao sa loob. Dapat sila ang mamroblema sa atin. Gawin natin ang lahat para malinis ang Bucor," sabi ni Dela Rosa.

Panoorin ang Videong ito.



Source: ABS-CBN
Source: facebook
WATCH : BuCor Chief 'Bato' Dela Rosa : "Ako ang siga rito hindi kayo!" WATCH : BuCor Chief  'Bato' Dela Rosa : "Ako ang siga rito hindi kayo!" Reviewed by TNS Correspondent on 5/09/2018 11:12:00 AM Rating: 5

No comments

Post AD