Header AD

Bong Go kay Trillanes: waiver ka ng waiver, Gusto mo "saksakan ng Ballpen".


Hanggang ngayon ay hindi parin natatapos ang patutsadahan nila SAP Bong Go at Senador Antonio Trillanes IV na nag mula sa mga akusasyon ni Senador Trillanes na nagkukunwari lang umano si Bong Go na hindi tatakbo sa pagka-Senador sa 2019 Eleksyon, gayong nakabandera na sa buong pilipinas ang mga poster ng mukha ni Go.


Kahapon sa panayam ng Abante, hindi nagustohan ni SAP Bong Go ang naging tugon ni Sen. Trillanes sa hindi pag seryoso sa hamon niya na One On One,

“Tanggapin muna ni Trillanes ang hamon ko sa kanya kesa dada siya nang dada. Ang hamon ko sa iyo, one on one, sa Tagalog, mano-mano,” pahayag nito.

Dagdag ni Go, dinadamay pa ni Trillanes si Pangulong Duterte sa kanilang alitan, at puro waiver umano ang lumalabas sa bibig nito, hamon ni Go kasaksakan nalang ng Ballpen.

“Dinadamay niya ang amo ko, kasi si Presidente ang sumagot sa sinasabi niyang waiver. Waive ka nang waiver. Ballpen lang katapat mo, gusto mo saksakan?” kuwestiyon ni Go.


Siniwalat din ni Go na si Trillanes umano ay sinusuka na ng kanyang mga kasamahan dahil sa kanyang ugali. Pagyayabang pa ni Go talunin raw muna siya ni Trillanes bago ito mag hamon.

“Mr. Trillanes, wala ka ngang kakampi kahit mga kasama mo sa Cavaliers, sinusuka ka na. Kapag natalo mo ako puwede ka na manghamon,”pahayag nito.


Samantala, nilinaw naman ni Bong Go ang mga naunang napabalita na siya ay isang Bilyonaryo, aniya may mga ari-arian  umano ang kanyang pamilya na kung mabebenta ay bilyon ang halaga.

“Nu’ng pabirong sinabi ng Pangulo na bilyonaryo ako, merong ari-arian ang pamilya namin. Kung sakaling ibenta ito ‘yun ang ibig pong sabihin ng Pangulo,” pahayag ni Go.


Source: Abante
Bong Go kay Trillanes: waiver ka ng waiver, Gusto mo "saksakan ng Ballpen". Bong Go kay Trillanes: waiver ka ng waiver, Gusto mo "saksakan ng Ballpen". Reviewed by TNS Correspondent on 6/17/2018 05:17:00 AM Rating: 5

No comments