Header AD

Kris Aquino to Mocha Uson: TAMA NA. SOBRA NA!


Sumabog ang galit ni Queen of talk show Kris Aquino kay Mocha Uson dahil sa ginawa ni uson na pagkukumpara sa halik ng babae kay Pangulong Duterte at kay yumaong Ninoy Aquino.

Ayon sa post ni kriss, marami na syang pinalampas na pambabalahura ni mocha uson sa pamilyang Aquino kung kaya't ang ginawa ni mocha uson na tila pag-lalapastangan sa namayapang ama ni kris ay hindi na nya pinalampas,


Basahin ang Instagram post ni Kris Aquino.

  • krisaquinoAsec Mocha Uson - marami akong pinalagpas. Binalahura mo na ang buong pagkatao ng pamilya namin... Mapapansin mo si Noy, hindi parte ng video ko dahil BUHAY siya. Kaya niyang depensahan ang sarili niya. Pero nung napanuod ko yung inupload mo para depensahan si presidente Duterte (na ni minsan hindi ko pinakitaan nang hindi maganda) alam mo ba kung ano ang ginawa mo? Sinariwa mo ang sugat sa puso ng isang batang 12 years old nung pinaslang ng walang kalaban laban ang kanyang ama. Umiyak ako nang tuloy tuloy dahil NAINGGIT ako sa 2 babaeng nakahalik sa Dad ko bago siya pinatay. Isang regalong hindi binigay sa nanay ko na walang tigil mo ring binabastos. Nangako akong hindi kita papatulan - but this time you crossed the line. You reminded me of how much I hurt my mom nung buntis ako kay Josh & na-disown ako pero nung 1 month si kuya - naglakas loob akong pumunta sa Times Street & once kinarga niya 'yung apo niya - siya na 'yung pinakanagmahal sa anak kong may autism. Pinaalala mo na nung issue namin ni Joey, nung umamin ako sa STD, niyakap lang ako ng nanay ko. Sa lahat ng naging palpak sa buhay ko - 'yun siguro ang kaibahan namin - WALA KAMING PINAGTAKPAN. Wala kaming ginamit. Inako ko lahat ng mali ko at dahil nga minahal ako ng nanay ko at gusto kong maging mabuting ina - sinisikap kong ayusin ang buhay ko. Kaya ngayon hihiramin ko ang salita niya: TAMA NA. SOBRA NA... Kung may gusto kang punching bag, please ako na lang. Kasi buhay ako, kaya kitang sagutin. At hindi kita uurungan. πŸ’›πŸ’›πŸ’›πŸ‘ŠπŸΌ


Kris Aquino to Mocha Uson: TAMA NA. SOBRA NA! Kris Aquino to Mocha Uson:  TAMA NA. SOBRA NA! Reviewed by TNS Correspondent on 6/05/2018 04:29:00 AM Rating: 5

No comments

Post AD