Header AD

"Mag-lipat kayo ng relihiyon Pari, kumikita diyan Huwag kayong magbigay ng pera"- Duterte


Hanggang sangayon ay patuloy parin ang galit ni Pangulong Duterte sa simbahang katoliko, isa sa mga kumokontra sa brutal war on drugs ng pangulo.

Sa pagsasalita nito sa South Korea sa isang official visit,  hinimok ng pangulo ang mga kababayan natin na maglipat na ng relihiyon dahil ang mga pari lang umano ang kumikita sa mga binibigay nating pera sa simbahan.


“Mag-lipat kayo ng relihiyon sa totoo lang. Pabulatsing na. Pari, kumikita diyan ng — sige tayo bigay ng pera. Huwag kayong magbigay ng pera. Bigay lang ninyo sa kapwa tao ninyo. Gusto mo? Ibigay mo roon sa hospital kung sinong walang medisina, ‘O ‘yan o, contribution’,”

“ So ‘yung God that I believe in, ‘yang God [minus?] diyan, ka-putahan na istorya ng Katoliko. Kalokohan. May bago tayong relihiyon na pag labas natin. Iglesia ni Rodrigo tayo lahat. Walang limit. May obligasyon ka sarili. Make yourself happy,”sabi ng pangulo.

Inihayag din ng pangulo na may isang libro na nagbubunyag ng katiwaliaan at imoralidad ng simbahang katoliko.

“Ito o. Altar of Secrets. Sex, politics, and money in the Philippine Catholic Church. Aries C. Rufo. Patay na ‘to. Narrator sa CBCP (Catholic Bishops Conference of the Philippines)… Sinulat niya lahat ng kaputahan ng pari,”

“Maniwala kayo sa Diyos. Pero huwag kayong maniwala diyan sa lokohan ng simbahan. Aysus nako, pari,”



Source: Politiko
"Mag-lipat kayo ng relihiyon Pari, kumikita diyan Huwag kayong magbigay ng pera"- Duterte "Mag-lipat kayo ng relihiyon Pari, kumikita diyan Huwag kayong magbigay ng pera"- Duterte Reviewed by TNS Correspondent on 6/05/2018 03:10:00 AM Rating: 5

No comments

Post AD