Header AD

WATCH: Noynoy on Dengvaxia issue: May reklamo pero ano ang basihan ng reklamo"?


Ayon kay dating Pangulong Noynoy Aquino dapat aniyang i-dismiss na agad ang kasong sinampa laban sakanila kaugnay sa dengvaxia issue.

Maagang pumunta si dating Pangulong Noynoy Aquino, dating Health Secretary Janette Garin at si dating Badget Secretary Florencio Abad sa Department of justice upang manumpa sakanilang Counter Affidavit kaugnay sa mga kasong kinahaharap nila dahil sa P3.5Bilyon Dengvaxia vaccine issue.



Sa affidavit ni dating pangulong aquino, giniit niyang dapat i-dismiss na agad ang kaso lalot wala naman raw itong matibay na basehan.

"Pag binasa mo yung complaint nila parang hahanapin mo muna kung ano ba ang nirereklamo,may reklamo pero ano ba ang basihan ng reklamo at yon ang nawawala" sabi ni dating pangulong Noynoy Aquino.

Isa-isaring sinagot ni Aquino ang mga binabatong akusasyon sakanya tulad ng pagmamadali umano ng paglabas ng badget para sa dengvaxia kahit pa malapit na ito sa 45days election ban.

"yung pag-execute nung purchase order which happened on march 9, so yung march 9 at march 26 medyo magkalayo, medyo malayo ang pagkakalayo non." ani aquino

"So 26 nag start ang Election ban, march 9 is not part of the election ban, so hindi namin maintindihan pano magiging issue sa election ban." dagdag ni Aquino.

Dinipenha din ni Aquino ang pakikipag pulong nito noon sa sanofi pasteur.

"Ito proven na eh, proven na effective ang vaccination program matagal na din ito, ang masakit may mga namatay dahil dito nga sa pananakot na pagnaturukan ka ng dengvaxia eh halos garantisado magkakaron ng severe dengue na pagkatapos non ay mamamatay ka.," ani Aquino.

Samantala nag pasaring naman ni janette garin sa mga nagpapanggap umano na eksperto sa dengvaxia.

"Maawa naman po kayo sa mga magulang, maawa kayo sa pamilyang pilipino wag po natin silang linlangin dahil sa ibang gustong magpa-appoint at wag po natin silang linlangin dahil yung iba ay may ambisyon sa politika.



Panoorin ang report  ng NEWS5



Source: News5
WATCH: Noynoy on Dengvaxia issue: May reklamo pero ano ang basihan ng reklamo"? WATCH: Noynoy on Dengvaxia issue: May reklamo pero ano ang basihan ng reklamo"? Reviewed by TNS Correspondent on 6/05/2018 12:12:00 AM Rating: 5

No comments

Post AD