Header AD

Robredo: Unahin ang problema sa pagtaas presyo ng bilihin at patayan bago ang Federalismo.

Robredo: Unahin ang problema sa pagtaas presyo ng bilihin at patayan bago ang Federalismo.


Sakabila ng sunod-sunod na patayan nanagaganap bansa at pagtaas ng presyo ng mga bilihin dahil sa pinasang TRAIN law, pinanawagan ni Vice President Leni Robredo na ang federalismo na sinusulong upang palitan ang kasalukuyang konstitusyon ay hindi pa napapanahon.

"Mula sa sunod-sunod na patayan, hanggang sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin, ang pinakamahalagang usapin para sa mga Pilipino ay kung paano masosolusyonan ng kasalukuyang administrasyon ang mga problemang ito,"

Dagdag pa nito, ang pag amiyenda sa saligang-batas ay hindi dapat minamadali dahil ang taong bayan ang lubos na magsasakripisyo dito.


"Ang usaping simbigat nito ay hindi dapat minamadali at ginagawang tungkol lamang sa mga kasalukuyang nasa poder ng kapangyarihan," aniya.

"Kung pilitin ito nang hindi isinasalang sa akmang pag-aaral at konsultasyon, hindi ba't isinusugal natin ang kinabukasan ng ating bayan? Hindi ito dapat ginagawa sa paraang sinasakripisyo na natin ang pagtugon sa matitimbang na isyung kinahaharap ng pamilyang Pilipino,"

Source:GMA NEWS

Robredo: Unahin ang problema sa pagtaas presyo ng bilihin at patayan bago ang Federalismo. Robredo: Unahin ang problema sa pagtaas presyo ng bilihin at patayan bago ang Federalismo. Reviewed by TNS Correspondent on 7/08/2018 11:17:00 PM Rating: 5

No comments