Header AD

Noynoy Kumpiyansang mananalo sa 2019 Eleksyon kung sakaling kumandidato



Naniniwala si dating pangulong Noynoy Aquino na mananalo siya sa pagka senador sa 2019 Eleksyon kung sakaling siya'y kumandidato.

Ngunit nauna na nitong pinahayag na wala siyang balak na kumandidato sa midterm eleksyon at iginiit nito na mas mainam na tulungan nalang niya sa pangangampanya ang mga kandidatong kagaya ng kanyang paniniwala.

Noynoy Kumpiyansang mananalo sa 2019 Eleksyon kung sakaling kumandidato
Photo Source: Inquirer

“Palagay ko marami pa naman akong supporter, malamang mananalo ako tapos manalo ako mag-isa ako, anong gagawin ko? Parang everyday kailangan present ako para kung solo akong opposition may tututol,” sabi ni Aquino, na nagtungo sa Manila Memorial Park sa Sucat, Parañaque City kaugnay sa paggunita sa ika-siyam na taon ng pagkamatay ng kanyang inang si dating Pangulong Cory Aquino

“Kung mas marami ang mapaupo natin na parehong pananaw lalo na sa Kongreso, kung maparami natin diyan ang talagang tinitingnan ang utang na loob sa kaniyang constituent na pangunahin, baka naman mas may kabuluhan,” dagdag pa ng dating pangulo.

Noynoy Kumpiyansang mananalo sa 2019 Eleksyon kung sakaling kumandidato Noynoy Kumpiyansang mananalo sa 2019 Eleksyon kung sakaling kumandidato Reviewed by TNS Correspondent on 02 August Rating: 5

No comments